It’s a prank! Restaurant sa Laguna, nadismaya sa fake order na ginawa ng isang blogger

Nagpahayag ng pagkadismaya ang isang restaurant matapos mabiktima ng fake order ng isang nagpakilalang blogger.

Sa Facebook post na ibinahagi ng Chacha Special Binalot Sa Dahon restaurant sa San Pedro, Laguna. Ipinakita niya ang naging usapan nila ng nagpakilalang blogger na si Reynan Ganete.

Ayon sa admin ng FB page, nabiktima sila ng lalaki dahil matapos nitong umorder at ihahatid na ng kanilang delivery rider ang pagkain ay bigla nitong ipinakansela ang order.

Labis na nadismaya ang restaurant sa ginawa ng blogger dahil last minute na ito nag-cancel. Kung saan hinahanap na ng rider ang destinasyon nito.

Napag-alaman nila na fake account lang pala ang ginawa ng blogger para makapanloko.

Sa mga screenshots mababasa ang pag-order ni Ganete kung saan nagsabi pa siya na magdala ng sukli dahil 1,500 ang pera niya.

Photo courtesy: Chacha Special Binalot Sa Dahon/Facebook

Nang tinanong ang blogger sa kanyang landmark ay sumagot pa ito. Ngunit pagkasabi ng admin na on the way na ang rider ay bigla nitong ipinakansela ang order.

Saad ng lalaki, ikakasenla na niya ang order dahil pancit canton na lang daw ang kanilang kakainin ng kaniyang mga pinsan.

“Cancel na po. Magpancit canton nalang kami.”

Photo courtesy: Chacha Special Binalot Sa Dahon/Facebook

Pahayag ng admin na naluto na nila ang pagkain at kawawa ang rider. Mali rin ang address na binigay ng lalaki.

Saad pa ng admin, inihatid nila ang pagkain sa saktong oras na sinabi nito. Sana hindi na ito nangloko pa dahil naulanan pa umano ang rider.

Photo courtesy: Chacha Special Binalot Sa Dahon/Facebook

Ngunit imbes na magsisi ang blogger ay tila natuwa pa ito sa kanyang ginawa.

Saad ng blogger, “It’s a prank. Para po sa blog namin hehe. Thank you for being a sport.”

Photo courtesy: Chacha Special Binalot Sa Dahon/Facebook

Tila nang-iinis pa, sinabi pa ng blogger na isha-shoutout niya sa kanilang blog ang restaurant.

Sinabi rin niya na sila na lamang umano ang kumain sa kaniyang in-order na pagkain.

Photo courtesy: Chacha Special Binalot Sa Dahon/Facebook
Photo courtesy: Chacha Special Binalot Sa Dahon/Facebook

Kaya naman naglabas ng hinanaing ang restaurant dahil sa panggagamit sa kanila para sa blog nito. Naperwisyo pa sila at kanilang rider. Ipinapasa Diyos na lamang nila ang lalaki at hiling na sana’y huwag niya itong gawin sa iba.

Basahin ang post ng restaurant:

Please share!
Nadale po kami ng pancit canton!
Para wala na po mabiktima tong tao na to!

Sa lahat ng nangyayari satin may ganito pa palang tao…pa close na kami hinabol pa namin yung order nia kasi baka need nila talaga ng dinner sabi na din ng rider namin sayang daw yan at i last order na namin kahit medyo maambon hahatid daw nia.. Hindi na naawa sa mga nag hahanap buhay kahit sa rider na gustong ihatid ang pagkain nia!
Si lord na lang bahala sayo!

Loading...