Isang Vlogger nakakuha ng mahigit 800k views kahit walang ginagawa sa loob ng 2 oras

Biglang nag-viral online ang isang vlogger kung saan wala naman itong ginagawa sa loob ng dalawang oras.

Maraming naaliw at nagtakang netizens dahil kahit wala itong ginagawa ay umabot na ng mahigit 840,000 ang views nito.

Masasabing walang saysay ang ginawa nito pero marahil maraming naaliw sa vlogger kaya naging patok ang kaniyang vlog.

Sa loob ng dalawang oras ay walang ginawa kundi umupo ay nakatutok lang sa camera ang lalaki.

Hindi madaling makakuha ng maraming views sa youtube lalo na at kung hindi naman sikat na personalidad. Mahirap rin gumawa ng content na makakabighani ng maraming viewers.

Kaya naman kahanga-hanga ang vlogger na may Youtube channel na sobat miskin official dahil viral ang kaniyang video kahit walang ginagawa.

Si Russell Peters ay isa umanong komedyante na dati na ring nag-viral. Gaya ngayon, gumawa siya ng video noon kung saan kaya umano ng mga lalaki na nakaupo lang ng 15 minutes kahit walang ginagawa at nakatanga lang sa kawalan.

Loading...