Isang upuan sa labas ng bahay para paglagyan ng relief goods, hinangaan ng mga netizen

Umani ng papuri sa social media nitong Linggo ang mga larawan kung saan bawat bahay ay may isang upuan na nakalagay upang paglagyan ng mga relief goods.

Ayon sa Facebook post ni netizen Leo Lauron, ipinapatupad ngayon sa Pandi, Bulacan ang paglalagay ng isang upuan sa bawat bahay upang masunod pa rin ang social distancing upang makaiwas sa coronavirus.

Patuloy pa rin ang pagtaas ng numero ng positibo sa bansa kaya isang malaking hakbang ang ganitong patakaran upang maiwasan ang direct contact ng bawat isa.

Photo courtesy: Leo Lauron/Facebook
Photo courtesy: Leo Lauron/Facebook

Isang bagay rin ito upang maisakatuparan ang enhanced community quarantine kung saan dapat nasa loob lang ng bahay ang bawat miyembro ng pamilya.

Kaya naman hinangaan ng mga netizen ang Barangay Pandi sa pagpapatupad ng istriktong patakaran.

Photo courtesy: Leo Lauron/Facebook

Iniiwasan ngayon ng buong bansa ang paglaganap pa ng COVID-19. Kaya naman puspusan rin ang iba’t ibang lungsod na pagpapatupad ng lockdown.

Sa kasalukuyan umabot na ng 380 nitong Marso 22, 2019 ang naging positibo sa coronavirus sa Pilipinas.

Photo courtesy: Leo Lauron/Facebook

Samantala, sa mga larawan ay makikitang tahimik ngayon ang buong kumunidad ng Pandi, Bulacan.

Tulong-tulong rin ang mga barangay officials upang maihatid sa bawat tahana ang mga relief goods.

Loading...