Isang Ati sa Iloilo, isinauli ang natanggap na ayudang P6,000 sa SAP

Matapos matanggap ang tulong pinasyal na ipinamahagi ng gobyerno, hinangaan naman ngayon online ang kabaitan ng isang Ati mula sa San Enrique, Iloilo.

Viral online si Helen Segura, isang Ati matapos niyang isauli ang P6,000 ayuda mula social amelioration program.

Napasali si Segura sa listahan ng tatanggap ng SAP kaya naman nakatanggap siya ng pera.

Photo courtesy: Philippine News Agency/Facebook

Ngunit dahil sa pagiging matapat ni Segura, ay isinauli niya sa DSWD ang perang natanggap sa kadahilanang miyembro siya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Maraming netizen ang humanga sa ginawa ni Segura at mayroon ring ilan na binatikos ang DSWD dahil sa kanilang pagkakamali.

Basahin ang ilang komento ng mga netizen:

Racquel Castillo Aquino, “Bless you nanay helen. It will return a thousand fold.❤”

Leon Acihcam, “sana lahat ganyan ang thinking kasi it would greatly help the govt to serve the ones that really needs help. napakasarap isipin na may mga tao na who are have noble deeds.”

Jeffrey Ford, “I hope the greedy LGU leaders can be more honest and fair like her.She only wants to get what she thinks truly belongs to her, even if many of us would think that she could use that extra money.Thank god there are still good people worth imitating.”

Johnny R. Danas, “the point here is, why is that happen? DSWD, what kind of records/list do you have in this modern time, why you still dont have a record system that will help you avoiding this mess?”

Loading...