Ipon Challenge! Pinoy OFW, nakapag-ipon ng 1M matapos mag-diet, ihinto ang paninigarilyo at online games

Napabilib ang mga netizen matapos ibahagi ng isang Pinoy OFW ang kanyang perang naipon na umabot lang naman ng 1 milyon piso.

Napa-wow ang lahat matapos makita ang malaking halaga na naipon ni Neil Ryan Lorenzo.

Ayon kay Neil, umabot rin ng tatlo at kalahating taon bago niya maisipang buksan ang kanyang alkansiya.

Hindi rin nakapaniwala si Neil na dahil sa pag-iwas niya sa sigarilyo, pagdidyeta at pagtigil sa kinahiligang online games ay nakakaipon siya ng isang milyon.

Photo courtesy: Neil Ryan Lorenzo/ Facebook

Kwento ni Neil, malaki ang naitulong sa kanya ng Peso sense Facebook page dahil sa ipon challenge. Kung saan ito ang naging dahilan na itinigil na niya ang kanyang paninigarilyo.

Dahil rin sa pag-iipon, mas natutunan niyang pangalagaan ang kanyang sarili. Mula umano sa bigat na 85 kilos ngayon ay bumaba na ito ng 65 kilos.

Photo courtesy: Neil Ryan Lorenzo/ Facebook
Photo courtesy: Neil Ryan Lorenzo/ Facebook

Natigil rin ang paggastos niya ng pera matapos itigil rin ang paglalaro ng online games.

Sobrang saya ang naramdaman ni Neil, kaya bilang pasasalamat sa kanyang biyaya ay nagpamahagi siya sa mga netizen.

Bago magpasko nitong Disyembre 22 ay nagpa-raffle si Neil sa sinumang nagbahagi at nag-like ng kanyang post.

Saad niya, pumili siya ng tatlong netizen na makakatanggap ng 500sr o katumbas ng P6,500. Ipamamahagi umano ito bilang pamasko.

Photo courtesy: Neil Ryan Lorenzo/ Facebook

Dagdag pa niya, magbibigay rin siya sa kanyang nanay at magbibigay rin sa simbahan. Magpapamahagi rin umano siya sa mga pulubi kapag nakauwi na siya ng Pilipinas.

Basahin ang kanyang buong post:

I2 na ipon challenge q 3yrs and half q sya inipon nakita q 2 peso sense nag karoon aq idea sarili q pra mag ipon alam nyo ba ano ginawa q pra dumami ipon ko po inalis q po yosi q nag daet pati games q inalis q sobra laki pla na gagastos q sa yosi pag kain q pati na din games q.
Inalis q lahat dami nag bago sa kalusugan q 21yrs bago q stop pag yo2si q 85k aq dati now 75k nalang timbang q db naka ipon na aq na alis q pa bisyo q salamat sa pesonsense ikw dahilan kya nagawa q 2 salamat lord sa pamilya q.. Sana maka 2long sa inyo lahat pano ba tlga mag ipon. Guys bi2gay po aq blessing sa inipon q paki share nalang po at like mag share makaka sali po sa raffle q sa dec 22 8pm po mag start raffle q. tatlo po mananalo ng 500sr katubas 6500php pra po sa pasko pang dagdag sa handa malalaman nyo po cno manalo sa dec 23 8am ppm q po mananalo d po pwde dummy account manalo dummy dq po d q po bi2gay prize nyo. Naipon q pala 75400k riyal + 2700peso total po sa pera natin 1million mahigit po sobra happy talaga aq d q akalain sobra laki pala na ipon q…. At pag uwi q bi2gay po aq church nanay q po at mag iikot pra sa mga pulubi pra kht papaano ma bigyan q cla. Konti pag kain pra sa pasko salamat po sa lahat iloveu guys

Narito naman ang video habang binubuksan ni Neil ang kanyang alkansiya, panoorin:

Samanatala, na-inspire naman rito ang mga netizen at nais din gawin ang ginawang pag-iipon ni Neil.

Dati paman, nauuso na talaga ang pag-iipon. Kaya naman kadalasan sa mga Pilipino ay may alkansiyang lata o bote para doon ihulog ang pera.

Talagang iba’t ibang pamamaraan ang ginagawa ng mga Pinoy para makapag-ipon dahil may pinaglalaanan ang pera. Maaaring sa pagbabakasyon o pagbili ng materyal na bagay o sa iba pang okasyon.

Loading...