“Inuubos niyo yung healthcare workers”- Doktor naglabas ng hinaing sa mga pasyenteng sinungaling

Hindi nakapagpigil ang isang Doktor na maglabas ng kanyang saloobin sa mga pasyenteng hindi nagsasabi ng totoo patungkol sa kanilang exposure at travel history na may Covid-19.

Nagbahagi pa ng kwento tungkol sa kanyang pamilya si Doctor Gino Natividad kung gaano rin siya nangangamba para sa kanyang pamilya na mahawaan.

Aniya, kahit hindi siya nagkukulang na panatilihing namalinis ang katawan at mag-mask kasama ang kanyang mga anak at asawa ay may takot pa rin sa kanya dahil may exposure na siya sa nasabing sakit.

Ang mga nakaugalian na niyang gawin kapag umuuwi ay hindi na maaari. Sapagka’t baka mahawaan niya ng COVID ang kanyang pamilya.

Photo Courtesy: Gino Natividad

Saad pa niya, ang kanyang alcohol at face mask ay limited na lang rin. Hindi rin naman siya maaaring huminto dahil marami ring kasama niya na umaasa sa kanya.

Paliwanag pa ni Dr. Natividad ay nagsasakripisyo ang lahat ng medical practitioner dahil may tungkulin silang dapat gampanan.

Kaya naman dismayado rin siya sa mga pasyenteng nagsisinungaling patungkol sa kanilang exposure sa COVID-19.

Lalo pa at iilan nalang ang mga medical workers ay mababawasan pa kapag nahawaan rin ng coronavirus.

Inis na saad niya, maayos silang nagtatanong sa mga pasyente ngunit minsan ay sila pa ang nasisigawan.

May mga patient pa na ayaw umamin na may exposure or travel history. Naeexpose ung staff. Inuubos niyo ung healthcare worker sa pagiging sinungaling niyo. Nakakainis. Maayos kaming nagtatanong ng history tpos may iba pa dyan sisigawan ka pa. Hayyyy..

Basahin ang kanyang buong post

I’m a father of 2 cute little boys, Im a son of 2 elderly with comorbidities (sorry elderly tlga hahaha), Im a husband of a beautiful doctor, and Im a doctor myself. Im a frontliner! I love what Im doing. Pero ngaun lng ako nalungkot at natatakot para sa kanila sa pagiging doctor ko.

6hours na lang matatapos na shift ko..
I usually hug and kiss my sons when I get home. They will shout “Dada!” With pure innocent smiling faces. Ngaun hindi na pwede. kasi may risk of exposure ako. Ligo muna, then sterlize, then mask ulit. Hindi ko alm kung pwede ba ung ginagawa ko na I still play with them na nakamask nmn. Tpos ung alcohol ko hindi ko alam kung hanggang kelan tatagal kasi may naghoarding. Ung mask limited n lng din. Hindi naman pwede huminto kasi kelangan manindigan.
Hindi rin pwedeng hindi n lng pumasok sa trabaho kasi kawawa ung mga kasama ko. Kanya kanyang sacrifice. Pls do your part.

May mga patient pa na ayaw umamin na may exposure or travel history. Naeexpose ung staff. Inuubos niyo ung healthcare worker sa pagiging sinungaling niyo. Nakakainis. Maayos kaming nagtatanong ng history tpos may iba pa dyan sisigawan ka pa. Hayyyy..

#UMAYOSkayo #beHONEST #STAYatHOME #RESPECT #SocialResponsibility

Loading...