Iniwang sulat ng customer sa isang kainan, dumurog sa puso ng mga netizen

Nagbigay ng kirot sa puso ang isang sulat na iniwan ng customer sa isang kainan. Ang maikling sulat kasi ay naglalaman ng pamamaalam sa kanyang minamahal.

Maraming netizen ang nalungkot ng mabasa ang sulat na ibinahagi ng Kanto Freestyle Breakfast sa social media account. Ang sulat ay para kay Alex na mukhang sumakabil4ng buhay na.

Hindi naman natukoy kung kanino galing ang sulat. Ngunit nagtrending ito dahil ramdam rin ng mga netizen ang s4kit habang binabasa ang sulat.

Nabanggit sa sulat ang pangalang Alex at sinabi nitong natupad na umano niya ang pangko nitong babalik sila roon upang magkape. Ngunit ang nakakapanghinayang ay mag-isa na lamang siyang nagbalik doon.

Credit: Kanto Freestyle Breakfast/ Facebook

Sa larawan mapapansin ang dalawang order ng kape at mababasa naman ang maikling sulat.

“Alex… Oh ayan, tinupad ko na isang usapan natin na magkakape rito sa Kanto, kaso ako na lang (mag-isa). PAALAM mahal ko… hanggang sa muli nating pagkikita. Salamat sa lahat ng alaala dito sa Kanto… Rest in p3ace my loves,” ayon sa sulat.

Nagpasalamat naman ang kainan dahil sa naging parte umano sila ng love story ng dalawa.

“One of our regular guests left this h3artbr3aking note at the store today. It has been our pleasure to be a part of your love story. May you find comfort in the happy memories that you and Alex had at Kanto Freestyle Breakfast.”

Naantig naman ang mga netizen dahil sa nakakalungk0t na love story ng dalawa. Hindi man nila kilala ang mga taong nasa likod nito ngunit batid nila ang lungk0t na nararamdaman ng naiwan.

Loading...