Improvised nebulizer! Bomba ng bisikleta gamit ng anim na taong gulang na bata para sa amang may sakit sa baga

Indeed, “a picture is worth a thousand words!”

Sakit at paghihirap ang tanging emosyon ang namumutawi sa kanilang mga mata, ang nakababagabag na sandali kung saan ang anak ay tinutulungan ang amang may sakit, ang nakaantig sa puso ng mga netizens.

Nagviral sa social media ang larawang ibinahagi ni Ian Carlos Simbulan, isang Program Researcher ng GMA Network, Inc.

Napuno ng simpatya ang viral photo ng mag-ama, kung saan makikita na nagpa-nebulize ang ama habang ang anak ay nagbobomba ng hangin gamit ang bomba ng bisikleta.

Hindi man nababanaag sa mukha ng babaeng anak ang hirap, ngunit ramdam naman ng lahat ang hirap ng kanilang panigdadaanan.

Anim na taon gulang pa lamang si Catherine Cadiente ngunit malaking responsibilidad na ang kanyang hinaharap.

Ayon sa dokumentaryo na Front row, sa murang edad si Catherine ang tumutulong sa ama mag-nebulize gamit ang bomba ng bisikleta. Katuwang rin ni Catherine ang isa pang kapatid na lalaki upang mag-alaga sa ama.

May sakit na emphysema si Mang Eddie Cadiente, dala ng kahirapan sa buhay ay nagtitiis siyang gamitan ang bomba ng bisikleta upang maibsan ang karamdaman.

Sa tulong ng bomba ng bisekleta, dito nila pinapadaloy ang gamot upang kanyang malanghap at  maging maayos ang paghinga.

Dahil rin sa karamdaman ni Tatay Eddie, sa bawat galaw niya ay habol hininga sapagka’t malala na ang kanyang sakit. Hindi na rin makatayo si tatay upang tulungan ang pamilya.

Image may contain: one or more people, people sitting, people sleeping, table and indoor

Kapos rin sa pera ang pamilya, kaya naman tanging asin at mainit na tubig lamang ang nagsisilbing gamot ni tatay na kanilang nilalagay sa improvised na nebulizer.

Samantala, nakakaiyak naman ang naging sagot ng anak para sa kanyang ama.

Maraming netizens ang naantig ang puso at maraming nagkukusang magbibigay ng nebulizer at gamot para kay tatay.

“HEARTBREAKING IMAGE
Dahil walang nebulizer, isang bomba ng bisikleta ang ginagamit ni Catherine, 6 na taong gulang, para mapadaloy ang gamot at maibsan ang sakit na emphysema ng ama.

Para sa mga nais tumulong, maaaring tumawag o magtext sa 09672307914 at direkta po kayong ikokonekta kina Catherine.
Salamat sa panonood ng aming dokumentaryong “Nebulizer” sa FrontRow sa GMA7”

Loading...