Ilang mag-aaral sa China, positibo umano sa COVID-19 matapos magbukas ang mga paaralan

Dahil bumaba na ang kaso ng coronavirus sa China, pinayagan ng pamahalaan nila na ibalik ang pasok sa ilang eskwelahan.

Ngunit dahil hindi pa rin lubusang nawawala ang COVID-19 ay pinaaalahanan ang lahat na panatilihin pa rin ang social distancing, handwashing at pagsusuot ng face mask.

Ang nakakabahala ulit ngayon ay ang balitang may mga ilang mag-aaral na ang nagpositibo sa virsu sa China.

Sa twitter, may kumakalat ngayon na video kung saan ibinahagi ng isang Chinese national ang sitwasyon sa China.

Ayon sa video, may mga health care workers na nakasuot ng protective gear na dumating sa eskwelahan ng Pingdingshan City. Kung saan kinuha ang apat na estudyante na posibleng positibo sa coronavirus.

Samantala, sa isa pang video ay kinukuhanan ng video ang isang paaralan kung saan may nasabit na puting banner sa labas na ang nakasaad ay “Right to Know, Why Cover-Up” at ang isang itim na banner ay may nakasulat na, “Injustice! Lost Lives.”

Ayon naman sa ulat ng Aljazeera nitong Mayo 13, ipinatupad muli ang lockdown sa Jinlin City matapos may maitalang 21 na panibagong kaso ng COVID-19.

Kaya naman naghahanda na ang China sa second wave ng coronavirus. Patuloy pa rin ang kanilang pagmo-monitor at swab testing.

Loading...