Huling pera itinaya sa lotto! Pinay OFW, nanalo ng ₱4.5-M sa lotto

Nakakamangha ang kwento ng isang pinay OFW sa Abu Dhabi dahil matapos itaya ang huling pera sa lotto ay napanalonan naman niya ang jackpot price sa lotto.

Masasabing maswerte si Remedios Bombon dahil sa sobrang laki ng napanalonang pera sa lotto.

Kwento ni Bombon, itinaya niya sa lotto ang huling pera upang magbakasali. Mawalan siya ng trabaho dahil pagkalat ng COVID-19.

Dati siyang nagtatrabaho bilang house keeping at bus attendant ngunit natigil ito ng magsimula ang lockdown dahil sa pandemya.

Si Bombon lang ang bumubuhay sa kanyang pamilya kaya naman isa sa kanyang paraan upang magkapera ay ang pagtaya sa lotto.

Itinaya niya ang kahuli-hulihang pera na nagkakahalaga ng AED50. Pinili niya ang numero sa kanyang kaarawan at mga anak.

Nagdasal at nanalangin si Bombon sa Diyos na siya’y manalo. Ngunit laking gulat niya dahil sa tatlong maswerteng nanalo ng jackpot ay isa siya sa napasali doon.

Napanalunan niya ang AED 333,333 o katumbas ng nasa ₱4.5 million.

Naging emosyonal si Bombon sa biyayang kanyang natanggap mula sa Panginoon. Hindi niya inaasahan na makukuha ang ganoong kalaking prempyo.

Gagamitin umano niya sa pagpapatayo ng bahay nag pera at para matulungan ang kanyang mga pamilya sa Pilipinas.

Panoorin at pakinggan ang kanyang buong kwento:

Loading...