Honest ‘parking boy’ na viral noong 2017, nakapagtapos ng elementarya matapos dagsain ng tulong

Nakakabilib ang katapatan ng isang batang lalaki kung saan isinauli niya sa may-ari ang napulot na pera matapos ito malaglag sa kaniyang bulsa.

Dahil sa kaniyang mabuting ginawa ay nagbunga ito. Dumagsa ang tulong kay Andrey Macabuhay tinulungan siyang makapag-aral.

Kaya naman ngayong 2020 ay naiulat na nakapagtapos na si Andrey ng elementarya.

Photo courtesy: Neil Mateo/Facebook

Maaalala na noong 2017, inibahagi ni netizen Dindo Lorenzo ang kabaitang ginawa ni Andrey. Ito ay habang naglalakad siya sa parking lot at nahulog ang kaniyang pera sa bulsa nang hindi na namamalayan matapos kuhanin ang cellphone sa bulsa.

Photo courtesy: Neil Mateo/Facebook

Papunta siyang McDonald sa branch ng Sta. Maria, Bulacan ng mangyari ito.

Nahulog ang nagkakahalagang P7,000 sa bulsa ni Lorenzo, ngunit isinauli agad umano ito ng bata. Aniya, imbes na matukso sa pera ay hindi umano ito nagdalawang-isip na isauli.

Photo courtesy: Neil Mateo/Facebook

Maraming humanga sa katapatan ni Andrey kaya naman ipinagpala rin ang kaniyang kabutihan.

Ngayong Martes, ibinalita na makapagtapos na siya ng elementarya sa isang pribadong paaralan.

Loading...