Hindi solusyon ang saging sa COVID-19, wag pong magpauto —Doc Willie Ong

Kasabay ng pagkalat ng 2019 coronavirus disease o COVID19 sa buong mundo, nagkalat rin ngayon ang mga fake news.

Dahil sa nag-viral ang video kung saan sinasabing nakakagamot umano ng COVID ang saging, ay agad na nagdagsaan sa pamilihan ng prutas ang marami nating kababayan upang makabili ng saging.

May nakuhanang mga larawan na kumalat sa social media kung saan mahaba ang pila ng mga Pilipinong bumibili ng saging.

Kanya-kanyang bitbit ng saging ang mga ilang mamimili upang siguraduhing may mabibili talaga sila.

Dahil sa balitang ito ay agad itong nakarating kay Doc Willie Ong at pinabulaan niya ang balitang ito.

Ayon kay Doc Willie, bagama’t masustansiya ang prutas gaya ng saging ay hindi naman ito gamot upang makaiwas sa coronavirus.

“HINDI ito gamot. Pero pampalakas lang ng katawan,” saad ni Doc Ong.

Saad niya, huwag kaagad maniwala ang mga publiko sa mga kumakalat online.

Payo niya, upang mapalakas ang katawan at resistensiya ay mas mainam na kumain ng mga prutas na mataas sa vitamin C, gaya na lamang daw ng bayabas, papaya, calamansi, suha, dalandan, orange, lemon, patatas at marami pang iba.

Saad rin ni Doc Ong na masama ang saging sa mga taong may problema sa kidney at may almoranas. Kaya payo niya na hanggang dalawang piraso ng saging lamang bawat araw ang kainin.

Dagdag pa niya, sa mga sitwasyon na gaya ngayon, marami ang mapagsamantala upang kumita kaya huwag kaagad maniwala.

Basahin ang kanyang buong post:

HINDI SOLUSYON ang SAGING sa COVID:
Fake News at Fake Video ang nakita nyo !
Karamihan ng gulay at prutas ay masustansya.

Health Advisory ni Doc Willie Ong

Ang SAGING ay masustansyang prutas.
PERO hindi pang-gamot ang saging sa COVID.
MALI po! Fake news ang kumalat na post tungkol sa Saging at Covid.

Kung GUSTO kumain ng SAGING, hanggang 2 piraso lang bawat araw.
Ingat sa may ALMORANAS at KIDNEY problem.
Baka ma-CONSTIPATED kayo.
Sa may KIDNEY problem at mataas creatinine, Bawal din ang sobrang SAGING. God bless.

– doc willie ong

Note 1: Kung gusto palakasin ang katawan, kumain ng vitamin C rich foods at sari-saring gulay:
Piliin ang bayabas, papaya, calamansi, suha, dalandan, orange, lemon, patatas at iba pa.
HINDI ito gamot. Pero pampalakas lang ng katawan.
At ITIGIL muna ALAK at YOSI. Para hindi bumagsak ang iyong katawan.
Yan ang pinakamahalaga.

Note 2: Basta may outbreak, maraming magpasamantala para KUMITA ng pera. Wag magpauto. Tamang pag-iingat lang.

Loading...