Handa sa 1st birthday ng anak, ibinili ng relief goods para ipamigay sa mga tricycle drivers, padyak at basurero

Nasa dugo na talaga ng mga Pinoy ang pagiging matulungin sa kapwa. Kaya naman hinangaan ngayon online ang pagtulong ng mag-asawa kung saan ang perang gagamitin sana para sa selebrasyon ng unang kaarawan ng kanilang anak ay ipinanbili nila ng relief goods.

Ayon sa News5, ipagdiriwang sana sa Marso 31, 2020 ang unang kaarawan ng bunsong anak ng mag-asawang Mark Anthony at Janisa sa Maguindanao.

Photo courtesy: News5/Facebook

Ngunit dahil sa banta ng COVID-19 at maraming Pilipino ngayon ang apektado ng community quarantine ay naisipan ng mag-asawa na mamigay ng relief goods.

Ang perang itinabi nila para sa children party ng anak ay ginamit nalang nila para ibili ng mga relief goods at ipamahagi sa kanilang bayan.

Photo courtesy: News5/Facebook
Photo courtesy: News5/Facebook

Ang nasabing relief goods ay ipamimigay sa mga tricycle drivers, padyak, at nangongolekta ng basura sa kanilang lugar sa Cotabato City, Maguindanao.

Kabilang sa kanilang ipamimigay ay bigas, sardinas, at mga noodles.

Photo courtesy: News5/Facebook

Saad ng mag-asawa, hindi ganoon karami ang kanilang napamili ngunit sapat na ito upang makatulong sila sa kanilang mga kababayan na gipit ngayon.

Bumuhos naman ang papuri sa mag-asawa dahil sa ganoong halaga ay nakatulong sila upang magkaoon ng imbak na pagkain ang iba na kapos sa pera.

Loading...