Hairstylist hinangaan matapos magbigay ng libreng gupit sa mga taong lansangan

Trending online ngayon ang isang hairstylist matapos maghandog ng libreng gupit sa mga taong nakatira sa lansangan.

Bumuhos ang papuri online kay Marko Bustarde, 27 anyos, dahil sa kaniyang kabaitan para sa mga taong mahihirap.

Ayon sa ulat, ginagawa ni Bustarde ang libreng gupit dahil nais niyang makatulong sa paraang kaya niya.

Photo courtesy: Marko Bustarde, Mabel Daddy/Facebook
Photo courtesy: Marko Bustarde, Mabel Daddy/Facebook

Kaya naman kapag may oras siya ay naglilibot siya sa Quezon City para magbigay ng libreng gupit.

LImang tao na ang kaniyang nagupitan ng libre at nais pa niyang madagdagan ito upang marami ang kaniyang matulungan na walang kakayahan magbayad ng mahal sa mga hair salon.

Photo courtesy: Marko Bustarde, Mabel Daddy/Facebook

Aniya, nais niyang magbigay ng inspirasyon sa mga hairstylist na gaya niya. Kung saan nagbibigay ng libreng gupit para sa mga taong walang-wala.

Loading...