Gurong buntis, tinatawid ang bangin, dagat at naglalakad pa ng dalawang oras para lang makapagturo

Maituturing isang dakila ang mga guro dahil sila ang ating ikalawang magulang.

Sa kanilang sipag at tiyaga, natutunan nating magbasa, magsulat, magbilang at magkaroon ng magandang asal.

Ngunit sa kwento ng isang guro sa lalawigan ng Occidental Mindoro, sino ba namang mag-aakala na may isang guro na buwis-buhay ang ginagawa para lang makarating sa paaralan at makapagturo sa mga estudyante.

Si Teacher Jay Ann Salibio ay nagtuturo sa Patag Elementary School Annex sa isang isla sa Occidental Mindoro.

Malayo ito sa kabihasnan, kung kaya kailangan pa niyang tumawid ng dagat, maglakad nang mahigit dalawang oras at umakyat ng bangin upang makapagturo.

Photo courtesy: Reel Time/ Facebook

Sa kalagayan ni Teacher Jay Ann, peligroso ang kanyang ginagawa dahil siya ay nagdadalawang-tao paman din. Ngunit dahil sa kagustuhan niyang magturo ay kinakaya niya ang peligro.

Ang nakakalungkot pa ay wala ring ospital sa naturang lugar at delikado sa kanyang kondisyon dahil nalalapit na rin ang kanyang kapanganakan.

Tiniis ng guro ang pagod at hirap dahil wala pang ipapalit sa kanya at ayaw niya ring iwanan ang mga bata.

Photo courtesy: Reel Time/ Facebook

Makikita ang pagod ni Teacher Jay Ann, lalo pa at buntis siya kailangan niyang magdahan-dahan at magpahinga sandali habang tinatahak ang daan patungo sa paaralan.

Lingguhan lamang daw ang uwian niya dahil nagrerenta na lamang sila ng isang kubong tutuluyan nila ng mga kapuwa guro sa loob ng isang linggo. Pagwalang trabaho umano ang kanyang mister ay saka lang ito nakakasama sa kanya.

Ang kanyang mister ay tumatanggap ng pananahi upang pandagdag sa kanilang ipon at sa panganganak ng misis.

Photo courtesy: Jay Ann Salibio/ Facebook

Ayon pa sa guro, nag-request na raw sila sa Department of Education (DepEd) ng life vest na gagamitin habang tatawid sila sa dagat ngunit wala pa rin daw tugon ang ahensiya. Kahit daw ang nai-file niyang maternity leave ay hindi pa rin naaaprubahan ng division office ng Occidental Mindoro.

Saad naman ng isang teacher, willing silang tulungan si Teacher Jay Ann dahil sila-sila rin naman daw ang magtutulungan. Ang pagiging teacher ay dapat may kalakip na malasakit sa mga bata, sa paaralan at sa komunidad. Lalo na sa malalayong lugar dahil higit silang kailangan ng mga tao doon.

Samanatala, nanganak na si Teacher Jay Ann nitong Katapusan ng November at nabigyan sila ng mabusog na baby boy.

Maraming netizen ang pumuri sa kanyang kabayanihan dahil sa kanyang sakripisyo para lang makapagturo.

For reference, maaaring panoorin ang kabuuang video sa link na ito sa youtube channel.

Loading...