Guro, nadismaya sa reaksyon kanyang mga estudyante matapos niya bigyan ng key chain

Hindi matatawaran ang kadakilaan ng mga guro dahil sa tiyaga at pag-uunawa na kanilang ibinibigay sa kanilang mga estudyante.

Ngunit paano na lamang kung ang kanilang sakripisyo ay binabalewala na lang ng mga kabataan.

Gaya ng nangyari kay Teacher Kathleen Jane J. Mendoza kung saan ibinahagi niya ang kanyang pagkadismaya sa kanyang mga estudyante.

Hindi niya inakala na babalewalain lang ng ibang estudyante ang kanyang pagsisikap na mabigyan sila ng regalo kahit simple lang ito.

Kwento ni Teacher Kathleen, 2 Linggo pa lang bago ang kanilang Christmas party ay pinaghandaan na niya ang kanyang regalong ibibigay sa kanyang mga estudyante.

Photo courtesy: Kathleen Jane J. Mendoza/ Facebook

Sa tulong umano ng kanyang kaibigan ay natulungan siyang magawan ng key chain.

Bilang pagpapakita ng pagmamahal sa mga bata, naisipan niyang magbigay ng simpleng regalo para man lang matuwa ang kanyang mga estudyante.

Saad niya, kinuwestyon pa umano siya ng kaibigan kung bakit siya magbibigay dahil sakit lang daw ng ulo ang mga ito.

Ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ito alang-alang sa kanyang mga estudyante.

Nang ibinigay na niya sa araw ng kanilang Christmas party, hindi naman siya nabigo sa ilan dahil nagpasalamat ang mga bata. Ngunit ang hindi umano niya malilimutan na sinabi at ikinadurog ng kanyang puso ay ng hindi bigyan ng pagpapahalaga ang key chain na ibinigay.

Komento umano ng ilang estudyante, “Cher, ito lang regalo mo samin? Kaya din namin bumili nito eh!”

Photo courtesy: Kathleen Jane J. Mendoza/ Facebook

Isang mapait na katotohanan ang binitiyan ni Teacher Kathleen.

Aniya, kahit anupaman ang kanyang naitulong sa mga bata ay hindi pa rin magiging sapat. Kahit sa simpleng bagay man lang ay hindi pa mabigyan ng importansya.

“No matter what you do for them, if they think it’s not enough it will never be enough,” saad ni Teaher Kathleen.

“You know what’s funny? I really expected that they would appreciate but it turns out that they did not,” dagdag pa niya.

Basahin ang kanyang buong post:

An Adviser’s Agony:

I prepared these keychains two weeks before Christmas Party. I wanted to give them a gift as a sign of my love for them. My friend made these keychains possible for me. Yung iba nagtaka pa, kasi bakit ko pa nga daw bibigyan sila ng regalo eh sakit sila sa ulo, sa lalamunan. But still I want to give it.

Until the Christmas Party came, I gave them the keychains one by one. Some people said thank you. But you know what’s the most unforgettable thing they’ve said?

“Cher, ito lang regalo mo samin? Kaya din namin bumili nito eh!”

And then I realized, no matter what you do for them, if they think it’s not enough it will never be enough.

You know what’s funny? I really expected that they would appreciate but it turns out that they did not.

Samantala, nalungkot at nadismaya rin ang mga netizen matapos mabasa ang hinaing ng guro.

Nagbahagi rin ng kani-kanilang karanasan ang ilang guro na nagkomento.

Kwento ni Michael Reyes, tumbler pa daw ang kanyang binigay ngunit ang ibang bata ay naghahanap pa rin ng karagdagan kahit na hindi na umano ito obligasyon ng guro na magbigay.

“Kahit ako nasaktan sa reaction ng students ko. Tumbler binigay ko sa kanila. Lahat sila meron ung iba thankful ung iba nghahanap pa ng karagdagan. Ang sakit talaga sa puso. Kala nila obligado tayu at karapatan nilamg maregaluhan sila. Nagleave ako sa gc namin sa sobrang sama ng loob ko,” aniya.

Mayroon naman ilang netizen ang pinapalakas ang loob ng guro at nagpasalamat sa kanyang effort.

Narito ang reaksyon ng ilang netizen:

Herlynne Grace Manaoat, “At least you had the heart to exert effort and you tried to make them happy, Kathleen. You’ve done a good job.”

Joy Roleda, “Hi ma’am I’m just here to say thank you for the effort hehehe I’m not your student and I don’t know you personally either and you too but then thank you po sa effort .. Naalala ko lang kasi former adviser ko sa inyo binigyan din niya kami before ng keychain na mini bible .. Nag-agawan pa kami nun.. Alam naman natin na kapag May ginawa tayo sa kapwa natin hindi lahat nakaka-appreciate what matters is napakita niyo yung love niyo sa kanila?? Yun lang po? feeling close lang chaarr.”

Rhea Rendal, “Ganun po talaga we cannot please everybody …pero minsan may mga di tayo inaasahan na siyang mas magaappreciate sa atin tapos yung inaasahan natin na makakaappreciate ng ginawa natin yun pa ang di makakaalala ..kaya just continue to do your job ..at least naipakita mo na pinapahalagahan mo sila as your pupils?broken moment ni teacher.”

Ruby Bunyi, “focus on the kids who said na they are thankful for your small token. iilan man sila, may puso naman sila sa teacher nila na tinuring silang anak sa labas man o loob ng school.”

Loading...