Guro, naantig sa kabaitan ng estudyanteng walang maipambiling tsinelas, ngunit binigyan pa siya ng saging

Kung sino nga daw ang wala, ay iyon pa ang madalas magbigay sa kanyang kapwa. Pinatotohanan ito ng isang batang lalaki kung saan ay binigyan pa niya ng saging ang kanyang guro.

Naantig ang gurong si Ryan James Duenas sa isa sa kanuang estudyante dahil kahit salat ito sa buhay ay nakuluha pa rin nitong pagbigay sa iba.

Ibinahagi ni teacher Ryan sa social media ang nakakaantig na ginawa ng batang si Manuel. Kung saan ay nakatanggap siya mula rito ng munting regalo.

Kwento ng guro, nagsimula na ang kanilang klase ng dumating si Manuel. Napansin umano niya agad na wala itong suot na tsinelas. Tahimik lang daw ito ngunit napansin niyang hindi ito mapakali.

Credit: Ryan James Duenas / Facebook

Habang may dinudungaw at kinukuha ito sa kanyang bag ay nagpasya ang guro na lapitan ang bata.

Nakita niya na may lamang saging ang bag nito. Agad na dinampot Ito ng nata at ibinigay kay teacher Ryan.

Nabigla umano ang guro dahil hindi niya inaasahan na makakatanggap ng prutas mula sa bata. Lumambot ang puso ng guro sa ginawa ng bata dahil sa pagiging mapagbigay nito.

Credit: Ryan James Duenas / Facebook

Ang mga larawan na kuha ng guro ay nag-viral online at umano ng positibong realsyon mula sa mga netizen. Gaya ng guro, nakaramdam ng kasiyahan at paghanga ang mga netizen sa kabaitan ng bata.

Saad niya, nakakataba ng puso ang pagmamalasakit ng bata at ng magulang nito sa kanya. Minsan mas nakakatanggap pa tayo ng malasakit sa mga taong hirap sa buhay dahil kahit kalaunti lamang ang mayroon sila ay nakakapagbigay pa rin sila sa iba.

Credit: Ryan James Duenas / Facebook

Naging inspirasyon naman ang bata sa maraming netizen at isang magandang ehemplo hindi lamang sa mga bata pati na rin sa mga matatanda. Samaantala, marami naman ang nais magpaabot ng tulong rito.

Loading...