Guro na gumamit ng kulambo sa klase para iwas-dengue ang kanyang mga estudyante, nag-viral

230

Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan kung saan gumamit ng kulambo o mosquito net ang isang guro para proteksyonan ang kanyang mga estudyante laban sa lamok.

Natuwa ang mga netizen sa pagiging maalahanin ng guro para sa kanyang estudyante lalo pa at uso ngayong tag-ulan ang dengue.

Makikita sa larawan na nakapaloob sa kulambo lahat ng estudyante habang nagtuturo ang guro.

Ang larawan ay ibinahagi ng Tatak Mindanao kung saan umani ito ng maraming papuri mula sa mga netizen.

Kita naman na nakikinig ng maigi ang mga bata habang nasa harapan at nagtuturo ang kanilang guro.

Hindi naman natukoy sa post kung saang lugar nakuha ang litrato.

Gayunpaman, isang magandang ideya ang ginawa ng guro dahil nagpapakita lang siya ng malasakit at pagmamahal sa knayang estudyante.

Ang naturang post ay umabot na sa 16 thousand share at mahigit 3 thousand reaksyon.

Basahin ang ilang reaksyon ng ga netizen:

Mer Grace Garcia,”Bihira lng naman ung mga ganitong guro na may malasakit.. Ung iba wala namang paki kahit sa bullying kaya dapat ung hinihingi nilang salary increase nakadepende din sa boto ng mga magulang. Less votes/No votes No increase.”

Imelda Ibañez Valencia Ramos, “May mbuting puso si mam at malasakit SA mGA tinuturuan Nia d tulad Ng IBA Jan mairaos Lang nila ang maghapong pagtuturo wala na silang paki SA kaligtasan Ng mGA bata good job po mam.”

Dextine Jass, “Sarap.matulog sa klasi pag ganito hahahaha my electric fun pa my colambo na my floormat pa onan at malong nalang kulang hahaha.”

Jovito Larupay, “Maam dapat nasa loob ka rin pag ikaw magka dengue wala ng magtuturo sa kanila.”

Facebook Comments