Grade 9 student na pinagsabay ang pagtitinda ng prutas habang nag-aaral, pinuri online

Maraming netizen ang napahanga sa isang Grade 9 student sa Valenzuela dahil nagawa nitong pagsabayin ang pagtitinda ng prutas sa bangketa habang nag-oonline classes.

Dala ang laptop, module at gamit sa pag-aaral habang nagtitinda ng prutas, iyan ang nakuhanan ng litrato ni netizen Benj Gonzales. Aniya, naghahanap siya ng mabibilhang prutas sa bangketa nang makita siya ang binatilyo na nakaharap sa isang laptop at nagtitinda ng prutas.

Umagaw ito sa atensyon ni Gonzales dahil namangha siya sa kasipagan ng binatilyong si Mike. Kwento niya nang pinagmasdan niya si Mike ay natuwa siya sa determinasyon niyong mag-aral kaya naman naisipan niyang ibahagi ito sa social media upang kapulutan rin ng aral ng iba.

Ang mahal ng prutas sa loob ng market kapresyo [sa grocery]. Naisipan kong bumili na lang sa labas sa mga naka-kariton.”

Credit: Benj Gonzales / Facebook

“Nakilala ko ‘tong batang tong si Mike isang vendor ng prutas. Na-curious ako kung bakit siya may laptop. Sabi niya nag-o-online class daw siya. Nakita ko din ‘yung mga module niyang madami at makapal na stack ng papel… Data lang sa cellphone ang gamit naka-hotspot lang laptop niya,” dagdag niya.

Isang inspirasyon umano si Mike sa mga kabataan dahil sa kabila ng kahirapan ay hindi ito naging balakid para sa kanya. Bagkus, nagsumikap at nagsasakrispy0 ito para lang makapag-aral.

“Marami tayong out of school youth dito sa Pilipinas, ang main reason nila kung bakit hindi sila nag-aaral kasi mahirap ang buhay. Pero siya nakita kong determined siya mag-aral,” saad ni Gonzales.

Dahil natuwa si Gonzales sa ipinakita ng binatilyo, in-offer niya ang WiFi sa kanilang balay. Maaari umanong makigamit ng kanilang wifi si Mike upang hindi na ito mahirapan habang nag-aaral.

Credit: Benj Gonzales / Facebook

“Mike, bukas ang aming tahanan kung kailangan mong maki wifi. Mabuhay ka!”

Pinuri naman ng mga netizen ang determinasyon at kasipagan sa pag-aarap ng binatilyo. Magpaabot sila ng pagbati at panalangin na sana’y maabot nito ang kanyang minihithi sa buhay.

Ang pangarap ni Mike, ang kanyang determinasyon, kasipagan at tiwala sa Diyos ang magdadala sa kanya sa tagumpay. Ngayong may pand3my4 ay masusubok ang ating katatagan, ngunit huwag sumuko. Lalo na sa mga kabataan na magpahanggang ngayon ay wala pa ring face-to-face classes ay magsumikap pa rin sa pag-aaral dahil tanging ito lamang ang pamana na maihahabilin ng ating mga magulang.

Loading...