Grade 3 Math wizard ng Laguna, wagi sa International math competition sa Vietnam

Panalo at nag-uwi ng gintong medalya sa International math competition sa Vietnam ang isang batang pinoy mula sa Laguna.

Ang batang si Zac Harvey Gordula, walong taong gulang at isang math wizard sa Lopez Elementary School ay nakasungkit ng dalawang gintong medalya.

Si Zac ay nakakuha ng pinakamataas na score sa individual at team categories ng 2019 Singa o ang Singapore Math Global Team Competition sa Ho Chi Minh City, Vietnam noong Nobyembre 22 hanggang 26.

Photo courtesy: Cherille Zaira Sison Gordula/ Facebook

Maliban sa medalya, nakatanggap rin siya ng tropeo bilang pangkalahatang runner-up sa mga estudyante ng Grade 3 na sumali sa kompetisyon.

Photo courtesy: Cherille Zaira Sison Gordula/ Facebook

Pangalawang beses na umano ito nakasali ni Zac sa international math competition at wagi pa rin siya.

Nitong Hulyo lang, nakakuha rin ng ginto at bronze medal si Zac sa sinalihang 5th Singapore International Math Olympiad Challenge na dinaos sa Singapore. 

Ayon sa Philippine Information Agency, si Zac ay nakakuha rin ng ginto sa kategorya ng koponan habang sumali siya sa koponan na binubuo ng dalawang iba pang mga math wizard, isa mula sa Indonesia at isa pa mula sa bansang Vietnam. Nasungkit ng team ang top spot, na nagwagi ng ginto sa koponan ng gitnang bahagi ng dibisyon ng pandaigdigang hamon sa matematika.

Ang Singa event ay isang pang-internasyonal na team at individual-based math competition na “nakatuon sa napakalakas na pagtutulungan ng magkakasama at mataas na antas ng pakikipagtulungan, lakas at suporta sa isa’t isa at kasanayan sa matematika,” paliwanag ng Singapore International Math Contest Center.

Super proud naman ang nanay ni Zac sa kanyang achievements at nag-uumapaw ang kanyang kaligayan para sa anak.

Photo courtesy: Cherille Zaira Sison Gordula/ Facebook
Loading...