Grade 12 student, iginuhit ang idolong si Kobe Bryant sa kanyang ‘chalk art’

Pinuri sa social media ang isang grade 12 student matapos nitong iguhit sa pisara gamit ang chalk ang kanyang iniidolong si NBA legend Kobe Bryant.

Matapos masawi sa isang helicopter crash nitong Enero 26, si Kobe at ang kanyang dalagitang anak, nagdadalamhati rin ngayon ang kanyang mga Pilipinong taga suporta.

Lahat ng pinoy fans ay nalungkot sa masamang balita na pumanaw na si Byant sa edad na 41 anyos.

Photo courtesy: Philippine Star/Facebook

Kaya naman isa ang grade 12 student na si John Herbert Santiago ang nagbigay-pugay sa NBA superstar na si Kobe Bryant.

Iginuhit ni John si Bryant sa pisara ng kanilang classroom gamit lamang ang chalk.

Photo courtesy: Bayan mo, Ipatrol mo/Facebook

Labis na hinangaan ng mga netizen ang talento ni John sa pagguhit dahil kuhang-kuha kasi nito ang mukha ni Kobe.

Photo courtesy: Bayan mo, Ipatrol mo/Facebook

Nakapagbigay rin ito ng munting kasiyahan sa mga netizen lalo na sa mga fans ni Bryant.

Si John Herbert ay kasalukuyang nag-aaral sa Panipuan High School at dahil natuwa naman ang kaniyang class adviser sa kanyang iginuhit ay hindi na ito ipinabura pa.

Samantala, may iba pang pitong kasamang nasawi sa sila Bryant sa insidente pati ang piloto ng helicopter ay hindi nakaligtas.

Loading...