‘Goodbye’, Veteran actor Menggie Cobarrubias nakapag-post pa online bago pumanaw

Nagluluksa ang industriya ng showbiz ngayon matapos pumanaw ang beteranong aktor na si Domingo Cobarrubias o mas kilalang si Menggie Cobarrubias nitong Huwebes, Marso 26, 2020.

Ang balitang ito ay kinumpirma ng kanyang asawang si Gina Jorge Cobarrubias sa kanyang Facebook post.

Saad sa kanyang post, “Goodbye my love. Thank you for the 30 wonderful years. I love you. Dear God please give me the strength to be able to face this very difficult moment of my life.”

Bago paman pumanaw ang aktor ay nakapag-post pa ito ng isang mensahe sa kanyang social media account.

Ikinagulat ito ng kanyang mga kaibigan at tagahanga. Sa kanyang post, tanging “Goodbye” lang ang kanyang isinulat.

Kaya naman labis na nalulungkot ngayon ang kanyang pamilya at ang showbiz entertainment sa kanyang pagkasawi.

Ayon sa ulat, pumanaw ang aktor dahil sa komplikasyon ng pneumonia.

Isinailalim na rin sa COVID-19 test ang 68 anyos na aktor. Samantala, hinihintay pa rin ang resulta ng test.

Ibinahagi rin ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairman Liza-Dino Seguerra ang naging usapan nila sa chat ni Menggie.

Saad ng aktor, nakakaranas umano siya ng sintomas ng gaya sa coronavirus at kasalukuyan na siyang nagpatingin sa ospital.

Basahin ang kanialng naging pag-uusap:

“Chair Liza I’ve had fever for three straight days. I’ve taken CBC for three days too. I’ve been advised to take the (COVID-19) test at St. Luke’s. Another CBC, my platelet 160, 151, 137, minimum is 150. Bad indication ito.”

“Mabuhay ka, salamat sa tulong at pagmamahal mo sa industriya.”

Photo courtesy: Liza-Dino Seguerra /Facebook
Loading...