Ginang na positibo sa COVID-19 nagtangkang tumakas, nakighabulan pa sa pulis sa San Juan

Isang ginang na positibo sa 2010 coronaviru disease o COVID-19 ang nagtangkang tumakas sa San Juan nitong Biyernes.

Ang 51 anyos na ginang ay agad na tumakas sa isang ospital sa San Juan matapos niyang malaman na siya’y positibo sa COVID-19.

Tinakasan ng ginang ang mga pulis na nag-escort rito habang pasakay sila ng sasakyan upang mailipat siya sa isang pampublikong ospital sa Quezon City, ayon kay San Juan Police Chief Lt. Col Jaime Santos.

Photo courtesy: DZRH/Twitter

Umabot ng dalawang oras ang habulan at negosasyon sa pasyente at nakarating pa sila ng  St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Matapos ang pag-uusap ay nakumbinsi rin nila ang ginang na sumama sa kanila patungong Quezon.

Ang babae ay siyang pang-siyam na pasyente na kumpirmado sa San Juan.

Samantala, ikwa-quarantine rin ang mga pulis na kasama sa nag-escort sa naturang babae.

Loading...