Gasoline boy, nakapagpatayo ng kanyang dream house

Dream house unlock! Viral online ang bahay na ipinatayo ng isang gasoline boy dahil sa angkin ganda nito.

Maraming netizen ang napahanga dahil nakapagpatayo na ng kaniyang dream house ang gasoline boy na si Igue G. Varra. DAhil sa kaniyang sipag at tiyaga sa pagtatrabaho at pag-iipon ay nakapagpatayo si Varra ng sariling bahay.

Maliit lamang ang sweldo ng isang gasoline boy ngunit dahil sa determinasyon ni Varra na magkabahay ay isinakatuparan niya ang kaniyang pangarap.

Photo credit: P U G E / Facebook

Saad sa caption ng post, “Tayo ay mag ipon at mag bawas ng luho para makapag patayo din tayo ng sarili nating bahay.”

Photo credit: P U G E / Facebook

Kaya naman nag-viral si Varra dahil sa hatid niyang inspirasyon sa maraming nangangarap na magkabahay rin.

Ayon sa video na ibinahagi ng P U G E page, P250,000 ang nagasta ni Varra sa kaniyang bahay lamang. Hindi pa kasama sa gastos ang bakod at gate.

Photo credit: P U G E / Facebook

Ang floor area ng kaniyang bahay ay may laking 22 ft x 24 ft. Mayroon itong dalawang kwarto at isang banyo.

Umabot naman ng P25,000 ang gastos niya sa yero at P25,000 rin sa steel trusses.

Noong Marso 2020 ito nagsimulang itayo ngunit nahinto matapos mag-lockdown.

Photo credit: P U G E / Facebook

Sa Ipinakitang desenyo ng bahay ay marami ng netizen ang bumilib dahil sa taglay nitong ganda.

Loading...