Gapan City Mayor, viral online matapos mamigay ng 1 sakong bigas at manok sa bawat kabahayan

Umani ng papuri sa socil media si Gapan City Mayor Emerson “Emeng” D. Pascual matapos niyang mamigay ng libreng bigas at buhay na manok sa bawat pamilya sa kanyang kinasasakupang lungsod sa Nueva Ecija.

Napahanga ang gma netizen dahil hindi lamang kilo-kilong bigas ang pinamigay ni Mayor Pascual kundi isang sakong bigas katumbas ng 50 kilos.

Sa Facebook live ni Mayor Pascual, sumama siya sa pamimigay ng mga bigas at sa sumusod na araw ay namigay rin sila ng buhay na manok sa bawat bahay.

Photo courtesy: Mayor Emeng Pascual/Facebook

Kitang-kita ang laki ng tuwa ng bawat pamilya dahil sa ipinamahaging tulong ng alkalde ay napalaking tulong nito para sa kanila habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Luzon.

Ayon naman sa post ng isang netizen na si Omar, bukod sa bigas at manok, namigay rin ng 3,000 pieces na itlog bawat araw sa mga residente ng Gapan.

Aniya, ibinigay rin ng alkalde ang kanyang sweldo simula nang manungkulan ito sa kanilang siyudad na umabot pa daw sa P4.5 million.

Photo courtesy: Omar/Facebook

“He donated his 4.5million salary na naipon simula ng naging Mayor sya ng Gapan dahil short ng 16million ang pondo para mkapag bigay ng 50kilos per family.”

“He also added na dadagdagan nya daw po ng 1.5milyon ang naunang 4.5milyon para sumaktong 6Milyon. Ang natitirang 10milyon ay maaaring manggaling kay Kapitan Boy Pascual at kay Bokal Joy Pascual.”

Dagdag pa nito, “He even closed the city to protect the residents of Gapan. If i’m not mistaken sya ang nag initiate na maglock down na nasundan ng mga katabing bayan sa Nueva Ecija dahil para sakanya ang Gapan ang first line papasok ng Nueva Ecija.”

“That’s our mayor right there working like a robot na hindi na nkakapag pahinga for the sake of his people.”

“Nakiusap din sya sa mga taga Gapan na wag na sanang ibenta sa iba o sa labas ang mga inani nila dahil nangangailangan po ang bayan ng Gapan ng bigas pra po ang Bayan napo ng Gapan ang syang bibili ng mga bigas na iyan.”

“Kung may Vico ang Pasig, may Yorme ang Manila, may Emeng naman ang Gapan. Dagdag ko lang. Wala syang naging kalaban nung eleksyon.”

Kaya naman hindi na nakapagtataka kung hinangaan si Mayor Pascual ng mga netizen dahil sa ulong na ipinaaabot niya sa kanyang mga kinasasakupan.

Maraming netizen ang naiinggit dahil nais rin nilang makatanggap gaya ng ipinamahagi ni mayor sa kanyang lungsod.

Samantala, umabot na ng milyon views ang naturang mga video at mahigit 46,000 shares.

Nangako naman si Mayor sa hindi pa nakakatanggap ng bigas sa Gapan na sisiguraduhin niya nakakaabot rin ito sa kanila bigyan lamang siya ng 7 araw paupang makaipon.

Panoorin ang video:

Loading...