Friendship goals! 3 magkakaibigan sabay-sabay na nakamit ang pangarap, Doktor na ngayon

Friendship goals ika nga kung maituturing ang pagkakaibigan ng tatlong dalaga kung saan sabay nilang naabot ang kanilang mga pangarap.

Hinangaan ang mga netizen ang pagkakaibigan ng tatlong dalaga dahil hindi natinag ang kanilang friendship sa loob ng siyam na taon at ngayon ay pare-pareho na silang mga doktor.

Photo courtesy: Ching Macarubbo/Facebook

Ayon sa GMA Public Affairs, magkakaibigan na simula high school sina Joieanne Marie Macarubbo, Marie Clare Perez at Jovine Martin.

At sa loob ng siyam na taon ay naging mas matibay pa ang kanilang pagkakaibigan. Kaya naman sabay rin nilang naabot ang kanilang mga pangarap sa buhay at ngayon ay mga ganap na doktor na sila.

Photo courtesy: Ching Macarubbo/Facebook

“We have gone through so much during the years, on the brink of failure, crying ourselves out almost every night, tired & restless especially during our clerkship, but never took quitting as an option. Now, 9 years from that day, here we are, living our vision,”saad ni Joieanne.

Photo courtesy: Ching Macarubbo/Facebook

Natuwa at nainggit ang mga netizen dahil sa pagkakaibigan na mayroon sila at sabay pa nilang tinupad ang kanilang mga pangarap.

Kaya naman bumuhos online ang pagbati at papuri sa tatlo.

Loading...