Fast food sa Monumento, may bagong empleyado na miyembro ng PWD

1053

Natuwa ang mga netizen nang mag-viral online ang bagong crew na Persons with disabilities (PWDs) ng isang kilalang fast food chain sa may Monumento.

Kita naman sa mukha ng PWD na si Rica oy na may down symdrome ang tuwa at saya habang ginagawa ang kanyang trabho.

Nabuhayan ng pag-asa ang mga netizen dahil bagama’t may kapansanan sila ay may kakayahan pa rin sila gaya ng mga normal na tao.

Isang inspirasyon ngayon si Rica Joy na kasalukuyang crew ng Shakey’s Monumento. Lubos naman ang pasasalamat ng marami sa kanyang pagkakatanggap doon.

Nagagampanan niya ng maayos ang kanyang tungkulin at makikitang ini-enjoy niya rin ito.

Ang larawang ibinahagi ni Belinda Fernandez Cueva sa social media ay umabot na sa mahigit 9k shares at mayroon ng 10k na reaksyon.

Hiling ni Cueva dumami pa ang mga PWDs na makapagtrabaho sa naturang establishimento.

Nais rin ng marami na bigyan rin sana ng pagkakataon ang mga PWDs sa iba pang kompanya.

“Shakeys is giving a good start for the PWDs… They love Rica Joy for what she can do and what she can… Shakeys Monumento, thank you for giving our student a chance to be employed… Hope more establishment like Shakey’s will welcome more PWDs as part of their working staff… Thank you,” post ni Cueva.

Facebook Comments