Fast food crew at customer, binigyan ng libreng pagkain ang lalaking tanging kanin at tubig lang ang in-order

Naantig ang maraming netizen matapos mag-viral online ang litrato ng isang lalaking kanin lang ang kinakain sa isang fast food.

Naawa ang mga netizen matapos matunghayan ang kwento ng isang lalaki sa social media kung saan tanging kanin lang ang kaniyang kinakain.

Photo courtesy: Earl Archievan Calixtro /Facebook

Ayon sa nagbahagi ng larawan na si netizen Earl Archievan Calixtro, namataan niya ang isang lalaking nanginginig habang papasok sa isang fast food chain.

Kwento niya, “Pagpasok niya. Tingin nang tingin sa paligid. Tapos ayun pumunta na sa counter umorder. Nung nilapitan ko siya sobrang nanginginig ‘yung katawan nya.”

Photo courtesy: Earl Archievan Calixtro /Facebook

Agad umano niyang napansin na tanging kanin lang ang in-order nito at nanginginig pa. Hindi umano niya mawari kung dahil iyon sa gutom o may karamdaman ito.

“‘Di din makapagsalita nang maayos. Sobrang bagal tsaka sobrang hina. Hindi ko alam kung ganon talaga sya. Or dala lang ng pagod at sobrang gutom.” 

Dahil sa awa ay inalok niya itong bilhan ng pagkain at pumawag naman ang lalaki.

Photo courtesy: Earl Archievan Calixtro /Facebook

Ngunit pagbalik ni Calixto ay mayroon na umanong ibinigay na meal ang isang crew. Kaya ipinabalot na lamang niya ang pagkain at ibinigay sa lalaki.

Kwento pa ni Calixto, hindi malinaw ang naging pag-uusap nila ng lalaki dahil hindi niya ito maintindihan masyado. Ang alam niya lang ay galing taga Tacloban ito at lumuwas ng Maynila upang maghanap ng trabaho.

Ngunit dahil umano sa COVID-19 ay inabutan na ito ng lockdown sa paghahanp ng trabaho.

“Kinausap ko siya sandali pero hindi ko siya maintindihan masyado kasi, sobrang nanginginig sya. Siguro sa sobrang gutom. Plus hirap na din siya magsalita. Ang nakuha ko lang na information is taga TACLOBAN daw siya. Napunta lang siya sa Pampanga para humanap ng work. Sa kasamaang palad inabutan siguro ng lockdown,” saad ni Calixto.

Samantala, ayon naman sa nakakilala sa lalaki ay galing pa umano itong Nueva Ecija at naglakad ng walong araw papuntang Pampanga upang maghanap ng trabaho.

Ibinahagi ng uploader sa social media ang litrato upang makarating sa kamag-anak ng lalaki ang kaniyang kalagayan at nais niya’y makauwi na ito sa kanila.

Loading...