Farmers sa Benguet, nakaimbento ng paraan para madaling mai-biyahe ang kanilang mga sayote

Napahanga ang mga netizen sa mahusay na imbensyon ng mga maggugulay sa Benguet upang mas mapadali na maiakyat ang kanilang mga sayote.

Sa viral video na ibinahagi ng GMA news, umani ito ng maraming share at papuri mula sa mga netizen. Sa ngayon ay umabot na nga mahigit 8,000 ang nagshare sa video at nasa mahigit 3,000 na komento.

Maraming napahanga dahil madiskarte nilang imbensyon na makakatulong na mapadali ang kanilang buhay.

Credit: Rural Rising Philippines / Facebook

Ang mga magsasaka sa Bengut ay nakaimbento ng improvised na transportasyon na hihila pataas s akanilang mga sayote patungo sa taas ng bukid upang maibyahe kaagad ang mga gulay.

Hindi na mapapagod sa kakaharot ang mga magsasaka dahil sa kanilang nagawang imbensyon. Kung noon ay kailangan pa nilang magbuhat ng mabibigat at magbyahe paakyat sa matarik na bukid.

Mas naging madali na ang kanilang pagtatrabaho ngayon at mapapanatili pa nilang presko ang kanilang mga sayote.

Credit: Rural Rising Philippines / Facebook

Sa mahigit dalawang minuto na video, makikita kung paano nila ginagawa ang pagbyahe sa mga gulay. Ang gamit nila ay parang lumang motor at nilagyan ng makina na hihila sa lubid para sa mga produkto na nasa kabilang bukid.

Basahin ang ilang komento ng mga netizen:

“Very practical and good idea.”

“Kudos to the farmers of Benguet! This should be funded by the government. I hope the next president will focus more on Agriculture.”

Credit: Rural Rising Philippines / Facebook

“Matagal na yan tramline gamit namin sa benguet, kaso di pinapansin, salamat sa social media. ang mga taga benguet ay masipag at maparaan, d kami umaasa sa goverment pero sana naman mabigyang pansin ito, malaking tulong sa magsasaka. Sana pigilan din pag import ng gulay galing china.“

“Dapat ito yung binibigyan ng halaga ng gobyerno na mabigyan ng magagandang makina para mapabilis ang production. Kung hanggang mano mano parin. Wala mangyayari satin. Yaman natin yan. Tapus tayo pa mag import ng producto.”

Loading...