Empleyado ng LTO, hulicam ang pagpapa-rebond sa oras ng trabaho

Huling-huli sa isang video ang pagpapa-rebond ng isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) sa oras mismo ng trabho. Dahil sa insidenteng ito ay agad na sinuspende ng LTO ang babae.

Hindi maikakaila sa video ang pagpapa-rebond ng empleyado habang oras pa ng trabaho.

Kaya naman pinaiimbestigahan n ito ng Civil Service Commission.

Makikita rin na hindi rin nakasuot ng face mask ang babae. Kasalukuyan ng inaalam ang pagkakakilanlan rin ng nagrebond kung empleyado rin ba ito ng ahensya o nagpapasok lang ng taga labas.

Ang balita ay nakarating agad kay CSC Commissioner Aileen Lizada at hindi niya ito nagustuhan.

Aniya, “Taong bayan ang nagpapasweldo sa atin tapos kaya mo pang ipaharap doon transacting public na ikaw ay nagpaparebond? At pinapasok nyo pa ang hindi empleyado ng gobyerno, I hope ‘yung nagrerebond ay hindi rin empleyado ng gobyerno, at ang tanong ko nasaan ang head of agency nito?”

Panoorin ang video:

Loading...