Pangulong Duterte, nagsagawa ng surprise inspection sa NAIA ng madaling araw

3296

Kahit pagod galing trabaho at madaling araw na, hindi pa rin nag-atubili si Pangulong Rodrigo Duterte na inspeksyonin ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 dahil sa patuloy na problemang kinakaharap ng paliparan.

Dahil sa mga ulat at reklamo ng apektadong flights sa NAIA ay binisita ito ni Duterte ng 2 am ng madalaing araw upang masolusyonan agad ito.

Kinausap ni Duterte ang airlines at mga opisyal ng paliparan tungkol sa mga kinansela at delay flights.

Image may contain: 3 people, people standing
Image may contain: 3 people, people sitting

Kinausap rin ng panguo ang mga pasahero at humingi ng tawad dahil sa kanilang nararanasang abala sa paliparan.

Ipinangako naman ni Duterte na susolusyonan niya ito sa loob ng isang buwan.

“The President apologizes for the inconvenience to the public because of the delays,” saad ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

“I understand the head of NAIA committed to the President that they are doing something about the problems in NAIA,” dagdag pa niya.

Image may contain: 5 people, people standing

Kabilang sa mga kasama ni Pangulong Duterte sa inspeksyon ay si Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, Civil Aviation Authority of the Philippines Director General Capt. Jim Sydiongco, incoming Leyte Rep. Martin Romualdez, and Davao businessman Sammy Uy.

Ayon sa ulat, nagpaliwanag na umano ang Philippine Airlines (PAL) manager at ang NAIA-Terminal 2 airport duty manager tungkol sa problema at kasalukuyan na nilang ginawagan ng paraan upang maging maayos ito.

Nakausap na rin umano ni Duterte ang Department of Transportation (DOTr) upang gawan ng matagalang solusyon ang paliparan.

“The Chief Executive discussed how flight aberrations could be minimized and what actions could be employed by the government, particularly the Department of Transportation, to solve the problem in the long term,” pahayag ng Malacañang.

Facebook Comments