Duterte may paalala sa mga inaanak: ‘Wag muna manghingi ng regalo sa mga ninong at ninang’

Dahil ilang araw nalang ay magpapasko na, nagbigay ng payo si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na maghinay-hinay muna sa paghingi ng pamasko.

Sa kanyang public address nitong Miyerkoles ng gabi, saad ni Pangulong Duterte na huwag munang manghingi ng aginaldo o pamasko sa mga ninong at ninang dahil sa banta ng COVID-19.

“Christmas time is about a few days from now. Sundin lang natin ’yung culture, but remember the word but. But there are rules to be followed at this time of our national life,” saad ni Duterte.

Marami na namang tao ang dumagsa sa mga mall upang makabili ng regalo at nababahala ang pangulo rito dahil baka tumaas ulit ang kaso.

“Kalma muna, tutal marami pa namang Pasko,” ayon sa pangulo.

“Kayo, huwag muna maghingi sa mga ninong, ninang kasi kaawa, kasi tapos maglabas ang mga ninang mo, ninong, mamili diyan sa kung saan saan, idamay mo lang. Maghingi ka hopefully in God’s own time, maybe next December,” dagdag pa niya.

Aniya, magtiis muna ng kaonti ang publiko dahil paparating na rin ang bakuna sa COVID.19.

“Kayong mga kababayan ko, sumunod ho kayo sa mga patakaran ng gobyerno. Para sa inyong lahat ito. Kaunting tiis na lang. Nandiyan na ang bakuna.”

Paalala pa ni Duterte na laging magsuot ng face mask at face shield tuwing lalabas ng bahay.

“Remember the rules para walang mapasubo… There will be a time na makalalabas ka without any hindrance,” saad ni Duterte.

 “In the meantime, what we should do is to pray for our country,” sabi pa ni Pang. Duterte.

“[There is] time for happiness, time for enjoyment, birthday parties, wedding receptions, and time to just relax. Mahaba pa ang buhay.”

Loading...