Doktor sa China na gumamot sa mga pasyenteng may coronavirus, namatay

Kumakalat na ngayon sa iba’t ibang bansa ang coronavirus kung saan nakapagtala na rin ng mortality rate.

Hindi mapagilan ng mga tao na mabahala sa sakit na ito lalo pa at hinihinalang nakarating na rin ito sa Pilipinas.

Nitong Sabado, naiulat na pumanaw narin ang doktor mula China kung saan isa siya sa sa mga nagsisilbing frontliners na gumagamot sa mga nagkakasakit dulot ng novel coronavirus sa Wuhan City.

Si Dr. Liang Wudong, 62 anyos ay nahawaan rin ng coronavirus na dahilan ng kanyang pagkasawi.

Liang Wudong, a surgeon who was treating patients in Wuhan, just become the first doctor to die from the new Coronavirus | Photo Credit: Twitter/MuhammadLila

Ito ang kauna-unahang report na isang doktor ang tinamaan ng coronavirus.

Nagtatrabaho si Dr. Liang sa Xinhua Hospital sa Hubei Province kung saan niya nakuha ang nakakahawang sakit.

Ayon sa ulat, sa Wuhan City nagsimula ang naturang virus na ngayon ay kumakalat na sa iba’t ibang panig ng mundo.

Loading...