Doktor na pumanaw dahil sa COVID-19, inihabilin ang asawa at anak na may autism

Malaking responsibilidad ang ginagampanahan ng gma frontliners ngayon sa bansa. Kaya naman isang nakakalungkot na balita kapag isa sa kanila ay tinamaan rin ng COVID-19.

Ngunit dahil sa hindi maiiwasang pagkakataon, nalalagay sa pangangib ang kanilang mga buhay.

Apat na doktor na ang naitalang namatay matapos tamaan ng coronavirus. Isa na rito si Dr. Greg Macasaet, isang anesthesiologist sa Manila Doctors Hospital.

Photo courtesy: Jose Gonzalo Ditchong/ Facebook

Nagdadalamhati ngayon ang kanyang pamilya at mga kaibigan dahil sa pagkawala ng doktor nitong Marso 22, 2020.

Kahit ang asawa ng doktor ay positibo rin sa coronavirus ngunti kasalukuyan na itong nagpapagaling ngayon.

Bago pumanaw ang doktor ay ihinabilin muna niya ang kanyang misis at ang kanilang nag-iisang anak.

Photo courtesy: Josephine Codilla/Facebook

Saad nito na kailangan ng financial at emotional care ng kanyang anak dahil sa kondisyon nito at hindi na niya ito magampanan pa.

Narito ang bahagi ng mensahe ng doktor:

“Good evening, my beloved brethren! The turn of events is just no longer going in my favor. The feeling you get, aside from extreme pains all over, difficulty of breathing and as if all life is being sucked from your body!

“They will be putting cut down lines and central tubes on me anytime soon! If they intubate me and place me on ventilator, then the game is almost over!

“If Ateng (referring to his wife) survives, then my wish for her and Raymond (his son who is with autism) for a long and happy life will bear fruition!”

He added, “Raymond, however, needs financial and emotional care for the rest of his life! Something I may no longer be able to fulfill! It is my fervent hope that all of you may assist the rest of my family in our most difficult times!”

Ang mga pasyenteng pumanaw dahil sa COVID-19 ay hindi na nakaranas pa ng magandang lamay. Habang nasa ospital pa lamang sila ay mag-isa na silang lumalaban na hindi kapiling ang mahal nila sa buhay.

Hanggang sa mamatay sila ay ang iba ay ikreni-cremate na lamang matapos pumanaw.

Loading...