DJ Loonyo, binatikos online dahil sa kanyang pahayag tungkol sa mass testing

Umani ng maraming batikos mula sa mga netizen ang naging pahayag ni DJ Loonyo matapos siyang magkomento tungkol sa COVID-19 mass testing.

Natawa at napakamot ulo na lang ang mga netizen matapos nilang marinig ang eksplenasyon ni DJ Loonyo sa mass testing. Maraming nag-react dahil mali umano ang pagkakaintindi ng sikat na Youtuber rito.

Naging kilala si Rhemuel Lunio o DJ Loonyo dahil sa kanyang galing sa pagsayaw ng mga dance cover.

Sa kanyang pahayag saad ni DJ Loonyo, na delikado umano ang mass testing dahil sa “trial and error” ito.

“I just don’t know, it’s ike gagana ba ‘tong bagay na ‘to… kung anuman ‘yung bagay na ipapainom nila, kung anuman ‘yung bagay na ipapagawa nila, it’s a trial and error that’s why it’s mass testing,” saad ni DJ Loonyo sa video.

Photo credit to the owner/Facebook

“Kaya kawawa ‘yun mag-i-intake nun, kawawa ‘yung mag-u-undergo nun ‘coz it’s not 100 percent proven.”

Agad na nag-viral ang video ni DJ Loonyo kung saan umabot na ito ng 5 million views at nasa 186,000 na rin ang shares.

Panoorin ang buong pahayg ni DJ Loonyo:

Loading...