DIY pool: Lolo ginawang swimming pool ang dating kulungan ng baboy para sa mga apo

Iba talaga magmahal ang mga lolo at lola sa kanilang mga apo. Gaya na lamang ni lolo Wilfredo Mangubat na taga San Luis, Pampanga kung saan ginawan niya ng DIY pool ang mga apo.

Hinangaan ng mga netizen si lolo Wilfredo, 57 anyos matapos nitong gawing swimming pool ang dating kulungan nila ng baboy para lang sumaya ang kanyang mga apo.

Habang nasa comminity quarantine pa rin at bawal lumabas ang mga bata ay naisipan ni lolo na gumawa ng swimming pool upang may libangan ang mga apo.


Photo courtesy: Blessie Reyes/Facebook

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, inabot lang ng anim na araw si lolo sa paggawa ng nasabing pool.

Sa halagang P4,000 ay nakagawa na ng swimming pool si lolo. May haba na 4 meters, luwang na 2 meters at nasa 3 feet naman ang taas nito.

Photo courtesy: Blessie Reyes/Facebook
Photo courtesy: Blessie Reyes/Facebook

Kita naman sa mga larawan ang tuwa sa mukha ng mga apo ni lolo Wilfredo. Sa wakas, may panmatagalan na silang magagamit at kaaaliwan pa ng mga bata.

Ang mga larawan ay kuha ni Blessie Reyes, anak ni lolo kung saan ibinida niya ang pagiging sweet ni lolo sa kanyang mga apo.

“Just wanna share our low budget pool made by my Tatay! Da best ka talaga!”

Photo courtesy: Blessie Reyes/Facebook
Photo courtesy: Blessie Reyes/Facebook
Loading...