DIY hair color, nauwi sa hair disaster

Dahil sa nauuso na ngayon ang do-it-yourself o DIY upang makatipid, kaya marami nang gumagawa nito.

Lalo na ngayon at may pandemya ay maraming naeenganyo na mag DIY na lamang habang nasa balay.

Kadalasan ng mga pinoy ay nahihilig na ngayon sa DIY hair color. Kagaya na lamang ng naipalabas sa Kapuso Mo Jessica Soho. Noon paman nauuso na ang pagpapakulay ng buhok. Kaya hindi ito pinalagpas ni alyas “Trixie” kung saan makakatipid pa siya ng bayad.

Aniya, naengganyo siya mag -DIY dahil sa nakikita online at less than 500 lamang ang kanyang magagasta kumpara sa hair salon na aabot pa hanggang P4,000.

Ngunit ang kanyang DIY hair color ay naging disaster matapos nanigas, nagkabuhol-buhol at naglugas ang kaniyang buhok.

Ang hair goals sana na gustong i-achieve ni Trixie ay naging disaster na.

Ayon sa kanyang pahayag, nabili niya online ang DIY hair bleaching. Sinunod lamang niya ang proseso nito. Ngunit nagulantang na lamang siya ng makalipas ang ilang araw ay nalugas na ang kaniyang buhok at ang resulta nga ay makikita sa mga larawan na kniyang ibinahagi.

Labis na nagsisi si Trixie sa kaniyang ginawa. Aniya, hindi na umano siya lumalabas ng bahay dahil sa hiya at takot na pagtawanan ng iba.

Payo niya sa mahihilig mag-DIY ay kapulutan ng aral ang nangyari sa kaniya.

Samantala, si alyas “Sally” naman ay ganoon rin ang nagyari. Matapos ang kaniyang DIY hair color ay nalugas rin ang buhok.

Successful naman daw ang kaniyang dalawang beses na hair color ngunit sa ikatlong pagkakataon ay naging disaster na rin ito.

Pag-amin ni Sally, may damaged na kaniyang buhok dahil sa paulit-ulit na bleaching at matapang rin umano ang pagkakatimpla niya rito. Kaya naman ang resulta, makalipas ng 40 minutong hair color ay nalugas na ang kaniyang buhok.

Ngayon ay maiksi na ang kaniyang buhok dahil sa disaster na DIY hair color.

Panoorin ang buong kwento:

Loading...