DIY facility! Mga residente sa Masbate nagbayanihan sa pagtatayo ng quarantine facility

Hinangaan online ngayon ang pagbabayanihan ng mga residente sa Barangay Mababangbaybay sa Claveria, Masbate. Ito ay matapos nilang gumawa ng quarantine facility para sa kanilang kababayan na umuwi.

Maituturing na buhay pa ang diwa ng bayanihan dahil ito ay pinatunayan ng taga Claveria.

Photo courtesy: Al Gueta/Facebook

Upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang barangay ay nagboluntaryo ang mga residente na sama-samang magtayo ng facility.

Mas naging madali at mabilis ang pagtatayo ng facility dahil sa mga residente na nagtulong-tulong.

Photo courtesy: Al Gueta/Facebook

Gawa sa kawayan ang bahay na may bintana at mga kwarto. Dalawang linggo itong pinagtulungan buuin ng mga residente.

Dahil na rin sa pagsusumikap ng kanilang komunidad ay wala pang naitatalang positibo rito sa COVID-19.

Photocourtesy: Al Gueta/Facebook

Panoorin ang buong report:

Loading...