Delivery rider, nalungkot nang mabiktima ng pekeng pera na ibinayad sa kanya ng costumer

Umuwing bigo ang isang delivery rider mula Lipa, Batangas matapos siyang maloko ng isang costumer dahil pek3ng pera pala ang ibinayad sa kanya.

“Yung ibang rider po nag-uwian na, ako po tuloy ang byahe para lang may maiuwing [pera],” saad ni Latonio.

Huli na ng mapansin ni King Latonio na pek3ng P500 bill pala ang ibinayad ng isang costumer sa kanya. Kwento niya kasagsagan noon ng malakas na ulan, tuloy pa rin siya sa paghatid ng mga parcel dahil parte na ito ng kanyang trabaho. Ang hindi lamang niya inaasahan ay gagitin rin itong pagkakataon ng costumer na maloko siya.

Pumunta siya ng 7-eleven upang mag-remit ng pera. Habang binibilang umano ng cashier ay napansin nito ang isang P500 bill na pek3. Noong una ay hindi pa siya naniwala kaya inilabas ng cashier ang kanilang fake money detector. Doon ay napag-alaman niyang pek3 nga talaga ang perang ibinayad sa kanya.

Credit: King Latonio / Facebook

Saad niya, nanlumo siya ng malamang pek3 ang pera. Buong araw umano siyang nagtatrabaho upang may maiuwing pera para sa kanyang pamilya ngunit nabiktima pa siya.

Nung magre-remit na po ako sa 7-Eleven, nung inabot ko po sa cashier binibilang pa lang po niya nakita po niya ’yung P500. Sabi niya agad fake daw po. Ako po nagulat tapos may tester po sila dun makikita kung fake ang pera. Tinest po nila ’yung pera, ’yun nga po fake nga po. Kitang-kita nga po sa appearance ng pera fake po talaga siya.”

“Madami po kasi akong pinagde-deliveran hind ko na po tanda kung sino ’yung nagbayad sa’kin. Basta ang alam ko po intentional talaga siya kasi P600 po siya ang binayad niya sa akin tapos po naka-kipit po talaga ’yun P500,” dagdag pa niya.

Mababawasan pa ang kanyang kita dahil kailangan niyang palitan ang pek3ng pera. Sumama daw ang kanyang loob dahil sa nangyari ngunit dahil rito ay natuto na niya. Kaya sa susunod ay titingnan na daw niya isa-isa ang mga perang ibinayad.

“Medyo sumama po loob ko po kasi ’yung halos buong araw ko pinagtrabahuhan dun lang po napunta sa fake na pera na ’yun. Medyo nanlambot po talaga ako, ’yung ibang rider po nag-uwian na, ako po tuloy ang byahe para lang may maiuwing [pera].”

“Ngayon po ay nagchicheck na po ako para lang po makasigurado kahit po parang nakakahiya sa customer na i-check ’yung pera pagkaabot sa’kin ng bayad. Para lang po makasigurdo,” Paliwag niya.

Masyado umano siyang busy noong araw na iyon dahil marami siyang hinatid na deliveries at maulan rin. Hindi na siya nag-abala pang tingnan ang pera dahil nagtiwala rin umano siya sa costumer. Kaya lang dahil sa dami na kanyang inihatid ay hindi na rin niya malaman kung sino ang nagbayad sa kanya ng pek3ng pera.

“Hind ko na po na-check ’yung pera kasi hindi ko din po ine-expect na may gagawa ng ganun sa mga rider. Rain or shine po kasi nandyan kami. Ang mali ko din po kasi ay hindi ko na din po chine-check ’yung payment kasi nga po may tiwala po ako sa mga customer and that time po naambon na po nun. Naka-kapote po ako, para po iwas mabasa ’yung pera suksuk lang po nang suksuk sa bag,” saad ni Latonio.

Kaya naman nagsilbi nalang itong turo sa kanya na huwag basta-basta magtitiwala. Leksyon rin ito sa kapwa niya delivery riders na dapat maging maingat pagdating sa pera.

Loading...