De Lima kabilang sa ‘world’s 50 greatest leaders’ ng Fortune Magazine

235

Ang New York-based business magazine na Fortune magazine ay pinili si Senator Leila de Lima na kabilang sa “World’s 50 Greatest Leaders.”

Ayon sa Fortune, naisama si De Lima dahil umano sa patuloy na pakikibaka laban sa anti-illegal campaign ng administrasyong Duterte na nagdulot umano ng extrajudicial killings sa bansa.

“President Rodrigo Duterte’s hard-line policies against drug dealers are polarizing globally, but in the Philippines they’ve faced little dissent. De Lima, who headed a committee investigating hundreds of extrajudicial killings under Duterte’s leadership, has been a noble exception,”  nakasulat sa magazine.

“Last February she was arrested and jailed for as-yet-untried crimes, but imprisonment hasn’t stopped the firebrand from continuing to speak out publicly,” dagdag pa nila.

Ayon rin sa magazine, ang pinili nila ay ang mga palaban sa “social, economic and environmental justice”.

Samantala, nasa ika 39 na pwesto naman ng nasabing magazine si De Lima.

Nakasama naman ng senadora ang ilang kilalakng mga personalidad na sina Bill at Melinda Gates, South Korea President Moon Jae-in, TV host Oprah Winfrey, New Zealand Prime Minister Jacinda Arden.

Noong nakaraang taon, nakasama rin si De Lima sa 100 Most Influential People by Time Magazine habang nasa notable Women Human Rights Defenders in 2017 ang senadora ng Amnesty International.

Bukod pa rito, pinagtawanan lang ng mga netizens ang parangal na ibinigay kay De Lima. Nais pa rin nila na habangbuhay ng makulong ang senadora dahil sa pagkakasangkot nito sa ilegal na droga.

Source: GMA

Facebook Comments