Dayuhang namumulot ng basura sa tabing-dagat, hinangaan online

Hinahangaan ng mga netizen ang isang dayuhan matapos makita itong namumulot ng basura sa may tabing-dagat ng Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Ang pagkukusang ito ng dayuhan ay kinabiliban ng mga netizen dahil maituturi siyang magandang ihemplo para sa mga pinoy na pangalagaan rin ang kapaligiran.

Ang dayuhan ay kinilalang si Simo Aaltonen na taga Finland.

Ayon sa panayam kay Simo, nililinis niya ang dalampasigan dahil umano maraming nakakalat na basura doon at nababahala siya na baka may masugatan sa mga basag na bote.

Photo courtesy: Rex Remitio/ Facebook

Dahil sa pagmamagandang loob ng dayuhan, nakisali na rin ang ilang kabataan na nandoon at namulot na rin ng basura.

Photo courtesy: Rex Remitio/ Facebook

Ilang sako rin ng basura ang kanilang nakolekta sa tabing-dagat.

Photo courtesy: Rex Remitio/ Facebook

Saad pa ni Simo, maliit na bagay lamang ang kanyang ginawa para sa Dipolog.

Ang mga larawan ay ibinahagi ni Rex Remitio kung saan umano ng maraming positibong reaksyon mula sa mga netizen.

Photo courtesy: Rex Remitio/ Facebook

Basahin ang caption ng post:

A man from Finland who was seen cleaning up the coastline of Dipolog City’s bay captures the hearts of many.

Simo Aaltonen’s kindness also motivated other locals to help him pick up trash a day after a post about his act went viral.

Loading...