Dayuhan na pinaghihinalaang may coronavirus, bumagsak sa tabi ng daan sa Maynila

Nabalot na naman ng pangamba ang mga netizen matapos mapanood ang video kung saan nakahandusay sa tabi ng daan na walang malay ang isang dayuhan na pinaniniwalang mayroong 2019 novel coronavirus ARD.

Sa video na kuha ni Zaldy Bao Maguigad, makikitang may isang dayuhan na nakahandusay sa tabi ng kalsada.

Ayon kay Maguigad, sa social media na sila agad nanawagan ng tulong dahil hindi umano nila alam kung saan lalapit at hihingi ng tulong.

Kwento niya may napara nila ang isang ambulansiya na waang sakay, ngunit ng makausap nila ang driver ay tumanggi umano itong isakay ang dayuhan.

Paliwanag naman ni Maguigad, mayroon rin umanong pasyenteng kukuhanin ang ambulansiya at wala ring silang magawa upang mapilit ang driver.

Kaya naman humihingi siya ng tulong online upang makuha agad ang dayuhan dahil nangangamba rin sila na infected ito ng coronavirus.

Photo courtesy: Pinoy viral / Facebook

Sa video, makikitang walang sinuman ang lumalapit sa dayuhan na nakahandusay sa daan.

Samantala, sa caption post ng netizen, tumawag na rin umano siya sa ahensya ng gobyerno ngunit lahat umano ng kanyang hiningan ng tulong ay tinanggihan sila.

Plss help….LAHAT NG TINAWAGAN KONG GOVERNMENT AGENCIES NA DI KAYO TUMUGON HALOS REFUSAL PO,AN GAGAWIN NAMIN DITO.

PLS HELP US! LALO NA YUNG 90% CHINESE NATIONAL. TAO RIN PO SYA!MAAWA PO KAYO!

Dahil nga sa posibilidad na may coronavirus ito ay natatakot rin ang mga taong lumapit rito at mahawaan.

Panoorin ang buong video:

Loading...