Dating tindera ng asin at domestic helper sa Hong Kong, milyonarya na ngayon

Ang buhay ng tao ay para ngang gulong. Minsan ay nasa ibaba at minsan ay nasa taas. Kagaya na lamang ni Daisy Budca-eng na dating tindera ng asin at nangibang bansa pa para magtrabaho, ngayon ay isa ng milyonarya.

Hindi talaga natin masasabi ang panahon. Ngunit ang pagsisikap at tiyaga ng tao ay magbubunga ng maganda pagdating ng panahon.

Si Daisy na lumaki sa salat sa buhay hanggang siya’y magkaroon ng sariling pamilya ay hirap pa rin.

16-anyos pa lamang ay nag-asawa na siya at nagkaroon ng mga anak. Para mabuhay ang pamilya ay nagtinda siya ng asin para may maipangtustos sa mga anak. Kaya madaling araw pa lamang ay gumigising na siya upang makabenta ng marami.

Credit: KMJS / Facebook

Nasasaktan umano siya tuwing umiiyak ang kanyang mga anak dahil ayaw magpaiwan ngunit wala siyang magagawa dahil kailangan niyang kumayod.

Kwento pa niya, dumating umano sa punto na napaisip siya kung hanggang kailan siya magbebenta ng asin sa sidewalk. Nakapagdesisyon siya na mag-umpisang mag-ipon upang may gamamit siyang pera para makapangibang bansa.

Kaya naman inaraw-araw umano niya ang pagtitinda na walang palya at kalaunan nga ay nakapag-ipon na siya. Doon na siya nag-apply ng domestic helper sa Hong Kong.

Credit: KMJS / Facebook

Ilang taon rin siyang namasukang katulong sa ibang bansa. Ngunit pinalad umano siya sa kanyang ikalawang amo dahil itinuring siyang isang pamilya.

Maliit man ang kanyang sweldo noon ngunit masaya siya sa kanyang amo na isang matandang Purtugese. Sa home for the aged sana ipapatira si Marie ngunit dahil ayaw niya doon ay sumama siya kay Daisy pabalik ng Pilipinas.

Nanilbihan si Daisy sa kanyang amo ng 11 na taon hanggang sa binawian na ito ng buhay. Ang labi naman ng kanyang amo ay ibinalik rin sa Hong Kong ng kanyang mga kamag-anak.

Credit: KMJS / Facebook

Ngunit isang araw ay nagulat na lang umano si Daisy ng makatanggap siya ng isang sulat. Napag-alaman niya na kasali pala siya sa last will and testament ng namayapang amo.

Si Daisy ay pinamanahan ng isang apartment na nagkakahalaga ng P25 million.

Maligaya na si Daisy ngayon dahil nakamit na niya ang matagal na niyang hinahangad na yumaman, ito ay dahil sa kanyang mabait na among si Marie. Hindi sinayang ni Daisy ang kanyang natanggap na pera at nagpatayo ng building.

Masasabing isa na siyang milyonarya ngayon dahil nakapundar na siya ng apartment, nakapagpatayo ng 5-storey building, may maraming alahas at pera na rin.

Credit: KMJS / Facebook

Tunay ngang walang imposible sa taong masipag at may diskarte sa buhay. Samahan pa ng dasal at tiwala sa Diyos ay tiyak magbubunga rin ang iyong pagsisikap.

Saad niya, “Patience and hardwork is the key to success.”

Samahan rin umano ng pagiging tapat sa kanilang trabaho at babalik rin sa iyo ang iyong itinanim.

Nagbigay inspirasyon naman ang kwento ni Daisy sa mga netizen. Maraming humanga sa kanyang katatagan at kasipagan. Maswerten rin siya at nakahanap siya ng isang mabait na amo at pinamanahan.

Loading...