Dating maninisid ng barya sa pier, isang teacher na ngayon

Napahanga ang mga netizen matapos mag-viral ang isang teacher dahil sa nakaka-inspire niyang kwento. Dahil bago pa niya maabot ang kanyang pangarap ay dumaan muna siya sa hirap.

Isang patunay si Arlene E. Alex na hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang pangarap. Basta’t may sipag, tiyaga at determinasyon sa buhay ay tiyak makakamit ang inaasam sa buhay.

Ibinahagi ni teacher Arlene sa social media ang kanyang graduation picture kung saan may nakasulat na “Ang dating maninisid ng barya sa pier noon, MASTER’S DEGREE na ngayon.”

Ito ang pumukaw sa atensyon ng mga netizen at kaya naman napahanga sila. Maraming pumuri sa tagumpay na nakamit ni teacher Arlene.

Ang kanyang kwento ay kapupulutan ng aral ng mga kabataang may pangarap sa buhay. Lalo na sa mga batang nagmula lamang sa mahirapna pamilya.

Si teacher Arlene ay isang pulubi noon at namamalimos lamang upang makatulong sa pamilya. Upang madagdagan ang kanyang kita ay suma-sideline rin siya sa pagsisid ng mga barya sa pier.

Hindi naging madali ang kanyang buhay ngunit nagsumikap siya para sa kanyang pamilya. Dahil sa pagnanais na maging isang guro ay nagtiis siya at nagsakripisyo para sa magandang kinabukasan.

At hindi nga nabigo si teacher Arlene dahil ngayon ay tinatamasa na niya ang kanyang tagumpay.

Sa edad na 28 anyos ay may Master’s degree na siya bilang guro. Sa ngayon ay nagtuturo na siya sa kanyang nayon sa may Batangas.

Bilang Badjao na guro, nais rin niyang tulungan ang mga batang Badjao na maging katulad niya at nagtuturo rin siya sa IPED.

Nais niyang maging inspirasyon sa mga batang katulad niya. Dahil sa kanyang sawang pagtuturo ay pinangaralan siya Rotary Club Batangas bilang “3rd Natatanging Batangueño 2021.”

Loading...