Dating janitor at factory worker, Summa Cum Laude ng Caraga State University at Top 7 sa LET

Nagbunga ang pagsusumikap ni Abzonie Reño matapos makapagtapos ng pag-aaral at naging kauna-unahang summa cum laude ng Caraga State University – Ampayon Butuan City campus.

Bukod sa pagiging summa cum laude, isa na rin siyang ganap na teacher.

Napabilang siya sa Top 10 sa kalalabas lang na resulta ng Licensure Examination for Teachers. 

Laking pasasalamat ni Reño sa kanyang nakamit na tagumpay dahil bumalik siya sa pag-aaral upang makapagtapos lang ngunit labis pang biyaya ang kanyang nakamit.

“Sobrang saya po proud sa sarili kasi ‘yun nga hindi ako bumalik ng pag-aaral para mag-excel bumalik lang ako para makapagtapos lang po pero sobra-sobra pa po yung binigay ni Lord,” saad niya.

Nagtapos si Reño sa kursong Bachelor of Science in Secondary Education, Major in Math sa edad na 27 anyos.

Kwento niya, tumigil siya ng pag-aaral matapos makapagtapos ng high school noong 2008. Lumuwas siya ng Maynila upang maghanapbuhay.

Aniya. marami siya pinasukang trabaho noon, gaya ng factory worker, tindero, baker, security guard, janitor at houseboy. 

Hindi umano naging hadlang sa kanya ang kahirapan, bagkus ginawa pa niya itong motivation.

Loading...