Dalawang pasyente sa Saranggani na naka-quarantine dahil sa COVID-19, tumakas

Pinaghahanap na ng mga otoridad ngayon ang dalawang babaeng pasyente na tumakas sa isang quarantine facility sa Saranggani habang iniobserbahan sila dahil sa pagkakaroon nito ng sintomas ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Napag-alaman ng kapulisan na papuntang Davao ang dalawang magkapatid na babae at may flight patungong Manila.

Saad ni Police Major Eudisan Gultiano, spokesperson of Police Regional Office 11 na nagsagawa na sila ng checkpoint sa mga posibleng lugar na puntahan ng magkapatid.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila mahagilap ang mga nakatakas.

“Ang PRO 11 ay nagcoconduct ng checkpoint and inspection doon sa malapit na possibleng pasukan ng mga taong ito,” saad ni Gultiano.

“As of this moment, there is no report na nakapasok na po itong dalawang taong ito (sa Davao),” dagdag niya.

Binabantayan na rin nila ang mga terminal at hotel na maaaring pagtaguan ng dalawa.

Loading...