Dalawang alagang aso, ibinuɯis ang buhay para masagip ang mga batang amo sa nasusun0g na bahay

Nadur0g ang puso ng mga netizen ng malaman ang mapait na kapalaran ng dalawang matatapang na alagang aso. Sinagip ng dalawang aso ang magkapatid nilang amo sa nasusun0g nilang bahay kapalit naman nito ay ang kanilang buhay.

Hindi na nakalabas pa ng buhay ang dalawang aso dahil matapos nilang iligtas ang mga bata at pababa na sila ng hagdan ay nadaganan ng nahul0g na yero ang dalawang aso. Dahil sa sobrang pang4nib na para sagipin ng mga bata ang mga aso ay nagpasya na lamang silang iwanan ang mga ito.

Ayon sa nagbahagi ng kwento na si Rommel Tuyay, nasusunog ang bahay ng mga bata sa Upper Bicutan, Taguig. Dahil natutulog ang mga bata ay hindi nila napansin ang sun0g. Kinagat kagat ng mga aso mga bata para magising sila at makatakas. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay naiwan ang dalawang aso sa nasusunog na bahay.

Credit: Rommel Tuyay / Facebook

Ayon sa kwento, pinilit pa ng magkapatid na sagipin ang kanilang asong si Sakura at Berry, ngunit dahil delikad0 na ay nagpasya nalang silang tumakas na.

Magkasama ang dalawang aso na nasun0g sa nagliliy4b na bahay. Masakit man sa pamilya ang nangyari ay nagpapasalamat sila sa kabayanihan ng kanilang dalawang aso.

Credit: Rommel Tuyay / Facebook

Naiyak rin ang mga netizen dahil naawa sila sa sinapit ng dalawang aso. Ngunit malaki rin ang pasasalamat dahil hindi nila pinabayaan ang kanilang mga amo.

Maituturing talagang “man’s best friend” ang mga aso dahil nakapaloyal nila sa kanilang mga amo. Maswerte ang mga amo ni Sakura at Berry dahil nagkaroon sila ng matatapang na alagang aso na handang isakripisy0 ang kanilang buhay para sa kaligtasan nila.

Loading...