Dalagitang walang sapatos, nanalo ng 3 gintong medalya sa Iloilo Schools Sports Council Meet

Isang dalagitang runner ang kinabiliban ngayon ng lahat matapos manalo ng tatlong gintong medalya sa ginaganap na Iloilo Schools Sports Council Meet.

Nasungkit ni Rhea Bulos na taga Balasan, Iloilo ang tatlong medalya kahit na walang suot na sapatos.

Patunay na hindi hadlang ang kahirapan sa taong nagpupursige.

Maraming netizen ang namangha dahil tanging makeshift “Nike” shoes lamang ang sapin sa paa ni Rhea.

Photo courtesy: Predirick B. Valenzuela/ Facebook

Isang improvised shoes ang kanyang gamit kung saan nilagyan niya ng plaster ang paa bilang proteksyon at ginuhitan rin ng Nike logo.

Ang batang pinay athlete ay wagi sa 400m dash ELem Girls, 800m run Elem Girls, and 1500m run Elem Girls.

Pinuri ng mga netizen si Rhea dahil sa kanyang katatagan ay nakaya niyang magsuot ng walang sapatos.

Photo courtesy: Predirick B. Valenzuela/ Facebook

Hindi talaga masusukat ang tagumpay sa mga mamahalin o branded pa na bagay. Nasa determinasyon at pagpupursige ito nakukuha. Kahit na ang kahirapan ay hindi rin hadlang sa taong may pangarap at pinatunayan nga ito ni Rhea.

Samantala, maraming netizen ang naantig at nais magpaabot ng kanilang tulong. Nais nila mabigyan ng sapatos si Rhea na kanyang pwedeng magamit sa susunod na patimpalak.

Saad ni Jacel Ramirez, “Please send me her details or her coach or from any member of her family. I would love to send her new pairs of shoes. God bless you Rhea.”

Saad naman ni Mariz Baybay, Nike – The dedication of this girl and still wearing her self made “Nike” shoes. I hope this inspires you Nike to support the rising athletes of this generation that will give hope for the future generations. She’s a one tough girl and Philippines was truly proud having her.”

Ani ni Mark Masangkay, “Congrats! Who has her contact or her coach? Ill give her new running shoes for Christmas.”

Saad ni Alex Cabagnot, “First of all congratulations! I’m so proud to read about her story. I would love send her a Christmas package. If anyone can connect me to her it would be amazing. Thank you. God bless.”

Ayon naman kay Joshua James Enriquez, “If anyone has contact to the girl and her family, please PM me

UPDATE: Naka contact nako sa ila, salamat gd. Please read the following update

Sa tanan nga mag gusto mag donate kay Rhea, please also include the other athletes in her team, who have also won medals in boys and girls division – barefoot.

They happen to like to run barefoot during the official games, but use spike (track) shoes for their trainings. I got this information from their 5th District Coach.

Salamat sa tnan nga gusto mag bulig. God Bless kag padayon kita!

Loading...