Dakilang tatay, pinuri online matapos alagaan ang anak habang may trabaho para may pambili ng gatas

Inulan ng papuri sa social media ang isang ama dahil sa pinagsasabay niya ang pag-aalaga sa anak at pagtatrabaho.

Maraming natuwa sa pagiging mabuting ama ni Vinz Manalo dahil kahit may trabaho ay nagawa pa niyang alagaan ang anak.

Sa larawan na ibinahagi ni Vinz, sinabi niyang magtiis muna ang anak dahil para naman ito sa anak upang may pambiling gatas.

“kapit lng anak ko..kailangan lng talaga mgtrabaho ng papa mo pra my pambili ng gatas mo.”

Isa umanong misyonaryo si Vinz at nagtatrabaho itong tagaluto sa Adventist Hospital Palawan sa Puerto Prinsesa.

Credits: Vinz Manalo/Facebook

Sinagot naman niya ang katanungan ng marami kung bakit siya ang nagbabantay sa anak.

Sinabi niyang noong araw na kuha ng larawan ay schedule ng prenatal check-uo ng kanyang asawa. Kaya naman ipinaubaya muna sa kanya ang pagbabantay sa kanilang anak.

Credits: Vinz Manalo/Facebook

Maraming netizen ang natuwa sa pagiging huwarang ama ni Vinz. Wala itong reklamo sa pagbabantay ng anak kahit may trabaho pa ito.

Samantala, makikita sa mga larawan na gamit ang baby carrier ay doon nakalagay ang kanyang anak.

Credits: Vinz Manalo/Facebook

Tahimik lang rin ang kanyang anak habang siya ay busy sa paghihiwa ng mga gulay at pagluluto.

Loading...