Dakilang ama, tinitiis ang sira at basag-basag na artificial leg para lang makapaghanapbuhay para sa pamilya

Lahat ay kakayanin at walang inuurungan, iyan ang responsable at pamagmahal na si Tatay Jerry mula Sultan Kudarat.

Naantig ang mga netizen sa kwento ni tatay Jerry dahil sirang-sira na ang kanyang artificial leg ay ginagawan niya uto ng paraan upang maayos at makapagtrabaho.

Putol na ang kanang binti ni Tatay Jerry at sa tulong ng kanyang artificial leg ay nagagawa niya ang kanyang trabaho.

Nag-uuling st nagpuputol ng puno ang hanapbuhay ni tatay. Ang reklamo niya ngayon ay nahihirapan siyang magtrabaho dahil sira at luma na ang kanyang artificial leg.

Credits: KMJS / Facebook

Dahil luma na ang kanyang artificial leg ay ginagamitan na lang niya iyo ng pandikit at tinatalian ng goma upang magamit pa rin

“Yung artificial leg ko nabasag na siya sa katagalan.”

“Yung mga butas, nilalagyan ko lang ng epoxy. Tapos ‘yung gilid, nila-lock ko lang gamit ‘yung goma na galing sa gulong ng truck. Sira na talaga. ‘Yung pakiramdam sa paa ko, parang kinakagat na.”

Credits: KMJS / Facebook

Kwento pa niya, nagkakasugat na ang kanyang putol na binti dahil sa pinipilit niyang isuot pa rin ito. Kaya kung minsan umano ay gumagapang na lamang siya para mapagpatuloy ang trabaho.

“Nagsusugat na rin paa ko. Nagkakapaltos na rin kaya minsan, kapag nagtatabas ako, gumagapang na lang ako sa gitna ng maisan,” ayon kay Jerry.

Credits: KMJS / Facebook

Aniya, mahirap magkaroon ng isang paa ngunit kinakaya niya para sa pamilya.

Dagdag pa niya, lahat ay kakayanin niya upang may maipakain sa kanyang pamilya.

“Grabe ‘yung hirap na iisa lang ang paa. Pero kinakaya ko para sa pamilya ko.”

“Pero kahit anong trabaho, basta kakayanin ng paa ko, gagawin ko para mabuhay lang mga anak ko,” dagdag ni Jerry.

Credits: KMJS / Facebook

Makikita sa mga larawan na sirang-sira na ang artificial leg ni tatay. Ngunit dahil kailangan magtrabaho ay patuloy parin ito sa pagsisikap na maitaguyod ang pamilya.

Credits: KMJS / Facebook

Mahirap umano ang kanyang sitwasyon ngunit kaya niyang tiisin upang may paipakain lamang sa kanyang mga anak.

“Sobrang hirap. Pero kung hindi ko kasi titiisin, wala akong ipapakain sa mga anak ko.”

Loading...